Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andi tinuruan ni Cherie magpakatotoo sa sarili; ginunita unang tapak sa Siargao

0 72

Sa pagpanaw ng kanilang tiyahin na si Cherie Gil last Friday, nagbigay ng madamdaming tribute ang magkapatid na sina Andi at Gabby Eigenmann sa kani-kanilang Instagram page.

Nag-post ng series of photos si Gabby na karamihan ay magkasama ang kanyang tita Cherie at amang si Mark Gil na may ilang taon na ring namamayapa.

Ayon kay Gabby, magkakasama na raw muli ang magkapatid na Mark and Cherie.

“Posting these pics was so hard.. you guys are together again. I love you with all my heart.. Thank you Lord for sharing them with us.. I love you TITA,” caption ni Gabby.

Ini-repost naman ni Andi ang mga nasabing larawan at nag-post din siya ng ilang childhood pictures niya with her tita Cherie.

Sa isang larawan, saad ni Andi ay si Cherie raw ang naging inspirasyon niya na maging totoo sa sarili.

“The one who inspires me to always stay true to my authentic self,” Andi wrote.

Nag-post din si Andi ng screenshot ng IG post ng kanyang tita Cherie na larawan nilang magkasama sa Siargao. In the photo ay pareho silang naka-swimsuit at masayang-masaya.

Andi wrote, “you were there in most, if not all of my life’s milestones, but my favorite was being w/ you here during my first time on this magical island. Wouldn’t have had it any other way.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.