Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ando itinaas sa class A

0 168

Ayaw ni 2020 Tokyo Summer Games-bound weightlifter Elreen Ann Ando na mahadlangan ang asam na pagsabak sa quadrennial sports meet sa Hulyo kaya doble ang pag-iingat upang makaiwas sa Coronavirus Disease 2019.

Sa tulong ng gobyerno, sa isang hotel sa Cebu City nanunuluyan at nagti-training pansamantala ang 22-year-old hoister kasama ang kanyang coach.

“Sa bahay namin kasi ang daming tao kaya pinili ng coach ko na mag-hotel na lang muna kami,” wika ng Cebuana lifter Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malaking bagay rin aniya ang hakbang ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pag-angat sa kanya sa mga Class A athlete na may monthly allowance na P43,000.

Ani Ando, malaking pagbabago dahil dati’y sakto lang sa pambayad ng kuryente at ibang gastusin sa kanilang bahay ang dating mas mababang sahod. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.