Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ando uukit ng kasaysayan

0 83

Nais ni weightlifter Elreen Ann Ando na makapagbigay prestihiyo sa pamilya, gayundin sa bansa sa una nitong pagsabak sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.

Isa sa 18 first timer sa delegasyon ng bansa sa Olympiada, nangako si Ando na hindi nito sasayangin ang pagpasok nito sa pinakaaabangang multi-sports sa buong mundo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya,” sabi ni Ando, na isa sa tatlong-Cebuana na 2020 Oympian.

Bibitbitin ni Ando ang ekspiriyensa noong 2019 Southeast Asian Games nang magwagi ng silver medal sa Women’s 64 kgs na may total lift na 213 kgs at pagwawagi ng dalawang pilak at isang tanso sa Asian Weightlifting Championships na naglagay dito para maging eligible sa requirement na kailangang sumali sa anim na torneo ng IWF. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.