Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrade, Ateneo kinatay Tamaraws

0 68

Tumuka si BJ Andrade ng 16 points at 3 assists nang pagdiskitahan ng Ateneo Blue Eagles ang FEU Tamaraws, 85-72, at dagitin ang first finals slot ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena Miyerkoles ng gabi.

Nalagot ang seson 11-game winning streak at league 39 sapul noong Oktubre 2019 sa pagkadisgrasya nitong linggo kontra UP Fighting Maroons, tiniyak ng defending champion na ‘di magagaya sa huli na pinwersa ng La Salle Green Archers sa knockout game ang may twice-to-beat edge Peyups sa hinirit na 83-80 win.

Magpapang-abot pa sa Biyernes ang UP-DLSU at ang papalarin ang hahamon sa ADMU sa siklab ng Finals sa Linggo sa Pasay playing venue pa rin.

Kapos para sa Tams ang 16 points ni RJ Abarrientos gayundin ang iniskor na tig-13 nina Emman Ojuola at Brandrey Bienes.

Ang score:

ADMU 85 – Andrade 16, Belangel 14, Mamuyac 12, Ildefonso 11, Kouame 9, Daves 9, Lazaro 4, Verano 3, Koon 3, Chiu 2, Tio 2, Padrigao 0.

FEU 72 – Abarrientos 16, Ojuola 13, Bienes 13, Gonzales 9, Sleat 6, Alforque 5, Tempra 4, Torres 3, Celzo 2, Sajonia 1, Coquia 0.

Quarters: 16-16, 49-33, 65-48, 85-72. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.