Abante Tonite Interactive

Andray nanalasa, Mighty dumalawa

319

Binulldozer ni Andray Blatche ang lahat ng humarang sa kanya para ihatid ang Mighty Sports sa pangalawang sunod na panalo sa 31st Dubai International Basketball Championship 2020 eliminations sa Shabab al Ahli Club, UAE .

Humarabas ang 6-foot-10 naturalized Pilipino ng 28 points mula 10 of 17 shooting, 11 rebounds, 2 assists at isang block nitong Biyernes nang takasan ng Mighty ang Al Ittihad ng Syria 77-72.

Nasa early lead ang Mighty Sports sa Group B ng 11-club tournament.

Na-outscore ng Mighty ang Al Ittihad 23-9 sa second quarter tungo sa 42-32 lead sa half, pero nanatili sa laro ang Syrians. Sa likod ni Aubrey Coleman ay dumikit pa sa 74-70 ang Ittihad bago ang panigurong 3 ni Blatche.

Sumuporta si Renaldo Balkman ng 15 points at 10 rebounds. May pinagsamang 16 points sina dating La Salle player Jamie Malon­zo, ex-Ateneo Isaac Go, at nagbabalik sa Blue Eagles na si Dave Ildefonso.

Pahinga ng dalawang araw ang Mighty bago harapin ang ES Rades sa Lunes. (VE)