Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andre, Kimberly, Kelly, Andrea nilunsad na

0 71

Lumalaki ang kuwadra ng talent manager na si Therese Ramos. Kamakailan, nilunsad niya sa Club Filipino ang apat na baguhang talent ng Creative Talent Management.

Nandiyan si Andrea Abalos. Finalist ngayon ng Century Tuna Superbods 2022. Siya ay tinuriang iskolar at atleta ng bayan. Edge daw niya ito sa ibang kalahok para masungkit ang title.

Kabilang din siya sa Abalos Clan ng Mandaluyong na sikat sa larangan ng politika.

Tinanong namin si Andrea kung kaya rin ba niyang magpa-sexy sa pelikula pag tapos na ang Superbods contest. Keri ba niyang magpa-sexy gaya ng mga beauty queens na sin Kylie Veroza, Ara Arieda,Cindy Miranda, Janelle Tee atbp.

Hindi raw pumapasok sa isip niya na maghubad sa pelikula. Hanggang pagsusuot daw ng swimsuit ang kaya niya. Mas magpo-focus siya sa modeling pero pag may magandang offer sa movie ay susubukan niya.

Pinakilala rin ang Mister International Philippines finalist na si Andre Cue. Nasungkit niya ang special award na Press favorite sa nasabing pageant. Palaban siya na masungkit ang titulo sa June 27. First time din sumali ni Andre sa ganitong pakontes.

Napansin namin na hawig siya kay Joseph Marco. Anak siya ni Ms. Mags Cue, CEO at President ng Mags Clothing. Pinangarap niya maging boksingero pero hindi pinayagan ng pamilya.

Nagbabalik din ang dating child star na si Kimberly Fulgar .Napanood siya noon sa Maria la del Barrio , Wansapanataym , Mara Clara , Mga Basang Sisiw, General’s Daughter at Pangako Sa ‘Yo. Dumating siya sa awkward stage kaya nag-aral muna.

Papasok na rin sa showbiz ang apo ng dating Senator Jamby Madrigal na si Kelly Madrigal. Isa rin siyang TikToker.

Anyway, ilan pa sa mga alaga ng Creative Talent Management ay sina Pilar Pilapil, Roi Vinzon,Gwen Zamora,Aleck Bovick, Miho Nishida at Jef Gaitan.

Hinawakan din dati ni Ms. Therese si Gabby Concepcion.

Nakaplano rin magtayo ng movie production ang CTM at mag-focus sa music scene.

Leave A Reply

Your email address will not be published.