Abante Tonite Interactive

Andrea aprub sa nanay ni Derek

592

Si Andrea Torres na nga ba ang dapat tanghaling millennial Venus? Magsisigawan na ba tayo at sasambahin siya bilang makabagong diyosa ng kagandahan at pag-ibig? Saan galing ang mga tanong na ito?

Kasi naman, si Derek Ramsay na asawa ni Torres bilang Jasmine at kanya ring kabit bilang Juliet sa “The Better Woman”, may payanig sa isang panayam na ang nanay niya, approved si Andrea at kauna-unahang pagkakataon na “Nagpakilala ako ng girl sa mom ko na my mom felt positive.”

Wow! Just wow! Maalindog, maganda, marikit at mapanghalina at may thumbs up at seal of approval pa mula sa pinaka-importanteng babae sa buhay ni Ramsay, sa kanyang mommy dearest. Ikaw na talaga, Andrea! Eclipsed mo na ang mga babaeng minsan ay minahal ni Derek, huh!

Ang impression pa ni Mommy Ramsay sa kanyang kapareha ay: “‘Wow, I like this girl. She has breeding.’ Gumanu’n pa siya.”

Masaya ang aktor na natuwa ang nanay kay Andrea. May pag-amin rin ang hunky actor na ang kanilang mga magulang ay magkakilala na rin. Nangyari ang pagtatagpo ng mga magulang nila sa birthday ng dad ni Derek.

Ipinakilala na ni Derek si Andrea sa kanyang parents, on a special occasion at that kung saan tiyak, ang buong famiglia niya pati kanilang closest relatives, friends and kin ay present. Hindi na siguro natin dapat i-memorize na may chance na in a romantic relationship na nga kaya ang dalawa?

Si Ramsay naman ay laging tapat sa lahat lalo na pagdating sa babaeng minamahal niya. Sa kuwento niyang ito, palong-palo talaga ang ganda at kabutihan ni Andrea, huh. Is she the one for Derek? Kaabang-abang. (Alwin Ignacio)