Abante Tonite Interactive

Andrea at dyowang si Anthony, magkasundo sa fighting cocks

By
696

Sa ngayon nga pala ay kuntento si Andrea sa lovelife niya. Isang Polo player ang nagmamay-ari ng puso ni Andrea.

“I’m seeing­ somebody now, Polo pla­yer. He’s supposed to be the best in Asia,” tila kinikilig na kuwento niya.

“But now he’s in America, kasi ang contract niya, doon siya half of the year talaga. Mahirap, pero ganun talaga.
“Nagpupunta na lang kami ni Bea (anak niya) sa Ame­rica. So, nagkakasama pa rin naman.

“May anak na rin siya, kaya okey na kami. Pero kung ipagkakaloob pa na magka-baby kami, okey pa rin,” patuloy na kuwento ni Andrea.

Sa isang farm sa Calatagan nga sila nagkakilala ni Anthony.
“Chicken farm ‘yon. He breeds chicken. Fighting cocks!
“Meron akong mga panlaban na manok. Masarap din silang alagaan. Hahahaha!” natatawang pahayag pa ni Andrea.