Abante Tonite Interactive

Andrea bilib kay Glenda

418

Si “PBB” wannabe Glenda Victorio ay 22-year-old lang and a mother of two nang nagsimula siya bilang young entrepreneur. Online seller lang siya noon ngunit ngayon ay meron na siyang sariling online empire.

Ito ang kanyang bagong tayong Brilliant Cafe, Aesthetics and Spa along with Brilliant Skin Essentials, Inc.

Only three (3) years of operation, nakakuha na si Miss Glenda ng maraming nominations, recognitions, at awards galing sa iba’t ibang award-giving bodies, locally and internationally.

Noong year 2018, isang major award ang kanyang nakuha as the 2018’s Youngest CEO in the Field of Cosmetics and Skincare and once again, na-recognize nang sumunod na taon ng kilalang international award giving body- GAWAD AMERIKA- as 2019’s Most Outstanding and Influential Online Entrepreneur in the Field of Cosmetics and Skincare.

Kung saan man naroon ngayon si Glenda ay isa ang sigurado, she never stop.

Kahit na sabihin pang parang roller coaster ang kanyang childhood and experiences, she made it possible.

Bukod doon, hindi rin niya isinasara ang kanyang pintuan for improvement. Nagbubukas pa nga siya ng bintana at hindi siya “natutulog lang” sa kanyang comfort zone.

In fact, kahit na sunod-sunod ang kanyang schedule ay nakapag-participate pa siya sa three-day Professional Development Program sa Harvard University, Boston, Massachusetts with the course: Strategies for Leading Successful Change Initiatives: Mastery Session.

Dahil dito, bilib na bilib sa kanya ang kanyang number one endorser at ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Ngayong 2020, excited na si Glenda kasama si Andrea, na i-share ang kanilang experiences to lead their team towards more success.