Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea binantaan si Ricci

0 56

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang unang karanasan sa pagsama sa rally ng bet niyang presidentiable.

Aniya, matagal na raw umano niyang gustong sumama sa rally ngunit naging abala siya sa trabaho .Sinamantala niya ang oras habang wala pa siyang ginagawang proyekto.

Hiniling din nito sa minamanok niyang kandidato na batiin ang boyfriend niyang si Ricci Rivero na pinaunlakan naman ng presidential aspirant.

Samantala, viral din ang isang TikTok video ng Kapamilya actress kung saan hinamon nito ang cager na boyfie na iboto ang kanyang kandidato or else.

“Sigurado na ‘ko sa kandidato ko pero alam ko naman na yung iba, undecided pa, o may ibang sinusuportahan. Alam ko na yan, yung isa nga sinagot ko pa e,” ani Blythe.

Sa huli, may hirit pa siyang pagbabanta sa boyfie kapag hindi ito nakiisa sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“Naku, naku, naku, naku. Bebe, kung napapanood mo ito, iboto mo ang bet ko kung hindi…” pakli niyang biro. “Charot lang. Hindi ako diktador. O baka may mag-react, a. Daanin natin sa maayos na pakiusap. O kayong may mga dyowa, alam n’yo na ang gagawin n’yo ha,” bawi niya.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang naging ‘dare’ niya kay Ricci.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Kaloka si ghurl. Ilang buwan pa nga lang kayo, gusto mo nang anderin ang dyowa mo.”

“Parang asawa level na kung makapag-demand. Brasuhan ba ito, teh?”

“Kung mahal mo ang dyowa mo, hindi mo siya piliting i-convert kung ayaw niya. Respeto lang!”

“Akala mo, makukuha mo sa pag-hi o hello ng kandidato mo ang dyowa mo. Walang pilitan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.