Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘bubukod’ sa pamilya

0 309

The other most important Andrea, siyempre si Brillantes, ilang kembot at kandirit, in full bloom na as a debutant.

Kaya nga para iparamdam sa lahat na dalaga na siya at hindi na bata, may mga pictorial payanig ang dalagang best in bushy eyebrows at pink blush on lang ang make-up, ang ganda-ganda na kaagad.

Ang una niyang pre-debut larawan, na halata na ang inspirasyon ay ang “Birth of Venus” ni Italian Renaissance master Sandro Boticelli, habang tinitipa ang pitak na ito, almost 800K likes and still going strong ang mga humahanga sa rikit ni Brillantes.

Ang pangalawa naman, para naman siyang si Ariel mula sa “The Little Mermaid” na in an immaculate white, revealing my curves and balakang kind of gown with siren detail. Vavavoom na vavavoom ang alindog lalo ni Andrea sa shoot na ito.

Ang pagkilos ni Brillante ayon sa kanyang ganda, well appreciated of course. Almost 730K na ang nagtigasan ang mga ugat at nagkislutan ang muscles dahil sa maalindog niyang pag strike a pose and vogue sa pangalang pre-pictorial.

Makakaasa kaya tayo na may major, major debut payanig ang batang dalagang maalindog sa malapit na hinaharap? Hindi naman kaya masuklam at mapoot ang mga nakakakainis na nagmamalinis at sabihing hindi siya emotionally sensitive sa mga paghihirap ng mas nakakararami lalo na nga’t nasa pandemya pa rin tayo?

Ang diva that you love, ang gustong malaman, eh ngayong ilang araw na lang, eh of voting age na si Brillantes at may bahay at lupa na rin itong ibinigay para sa kanyang pamilya, will she declare “independence” ? Mamumuhay na longer under the guidance of her guardians? Bubukod na ba siya sa pamilya?

Aamin na ba si Seth Fedelin na there is more to them than a manufactured love team? May tell all kaya siya sa ka-close niyang di maaring balikan na si Grae Fernandez na pasabog ang team up sa isang pretty young miss rin? O bet niyang humahabol-habol muli para magpa-picture sa mga lalaking artista na older than her just like what she did sa isang awards night ?Marami ang saksi sa kanyang stunt na makapagpa-picture kay Alden Richards?

Ang masasabi ko lang, do what makes you happy and more beautiful Andrea Brillantes. Hindi puwedeng itanggi na isa sa mga mas lalo pang sisikat na teen stars at posibleng maging Kapamilya darling if you play your game very well. Yun lang.

**

EliKoy ‘supsopable’ ang utong

Ang Gameboys BL fanatics, literal na wet, wet, wet! Bakit kaniyo? Kasi naman, may bagong fashion shoot sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas para sa isang on-line glossy magazine at juice colored, jumpers lamang ang kanilang suot.

At dahil nga ganun ang kanilang fashion shoot styling, in full display ang mga utong nina Gavreel at Cairo, ang katauhan ng Elikoy sa first Filipino Bl drama na ang season 2 ay kasalukuyang nasa shooting stage.

Ang mga diwata at sirena, pati na ang mga babaing may pag-uugaling pambading, talagang nakasentro ang tingin sa mga utong nilang hindi sinasadyang ma-display.

Ilan sa mga nakakalokang reaksyon sa body parts na iyan nina Kokoy at Canlas ay “kadila-dila,” “sarap lapirutin at lantakan” at ang very graphic na “supsopable.”

Juice colored! Ang pagnanasa ng mga hitad at harot, pangmalakasan! Walang takot! Walang preno! Para namang papansinin ang paglulumandi nila, huh! Asa pa kayo mga kapatiran?GSIS na! Gising sa ilusyon, sisters! Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.