Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘di maldita sa Calista

0 81

NI: ARCHIE LIAO

Isa sa guest performers sa Vax To Normal concert ng all-female group na Calista na ginanap sa Smart Araneta Coliseum ay ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Ayon sa grupo, nakakahawa raw ang energy ni Blythe kaya napakasarap nitong katrabaho.

Katunayan, noon daw nagre-rehearse sila ng kanilang production number ay napaka-friendly nito.

Iba raw ang personalidad nito sa malditang karakter na Marga na pinasikat nito sa seryeng “Kadenang Ginto.”

Noong daw ma-meet nila in person so Blythe ay pinusuan pa sila nito dahil pinagtatanong ang kanilang zodiac signs.

Firm believer din kasi ang actress ng astrology.

Masaya naman ang grupo dahil nakapag-perform sila sa Araneta sa new normal.

Feeling nila, simula na ito ng muling pagsigla ng live entertainment scene pagkatapos ng pandemya.

Proud din sila na inihandog ang kanilang concert sa frontliners na itinuturing nilang unsung heroes ng ating henerasyon.

Pagbibida pa nila, inihahanda na raw nila ang kanilang second single na follow up sa kanilang successful single na “Race Car”.

Ang Calista ay binubuo ng anim na talentado at mga naggagandahang dilag na sina Olive, Laiza, Anne, Elle, Dain at Denise na mina-manage ng Tyrone Escalante Artist Management (TEAM).

Bukod kay Andrea,naging mga panauhin din sa matagumpay na concert sina Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio at Ken San Jose.

Leave A Reply

Your email address will not be published.