Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘di papayagan ni Derek na bastusin

0 270

Nananatiling tikom ang bibig nina Derek Ramsay at Andrea Torres hinggil sa maingay na maingay ngayong split-up nila. Nagsimula ang tsismis tungkol sa break-up few days ago nang mapansin ng netizens na nawala sa kani-kanilang Instagram ang mga larawan na magkasama sila at nag-unfollow sila sa isa’t isa.

At dahil nga nananahimik sila, lalong lumalakas ang ingay na baka nga talagang wala na sila.

Si Derek ang mas napuputakti ng bashers ngayon since siya ang lalaki at syempre, nasisilip pa ang dating history niya. Masasakit ang mga komento sa aktor kaya naman hindi siya nakapagpigil at sinagot niya ang ilan sa mga hindi magagandang remarks.

Isa sa sinagot ni Derek ay ang komentong lahat ng ipinapareha sa kanya ay nagiging girlfriend niya.

“Hmmm.. the new victim should be his new love team lol ? every girl na nila loveteam sa knya ay nagiging gf nya , Naol ? Derek you’re so lucky kase lalake anak mo, kng naging babae anak mo, you will feel the same feeling ng mga babaeng sinaktan mo,” ang eksaktong comment ng basher.

Pinalagan ito ng aktor at sagot niya, “hello mam there is no truth to what you are saying!!! Andrea is the only leading lady I had that became my gf.”

May nagkomento naman na inagaw lang ni Andea si Derek sa huling girlfriend na si Joanne Villablanca at ipinagtanggol naman ang aktres ng isang fan by saying na at least ay hindi raw single mom si Ada.

As we all know ay may love child si Joanne sa ex-bf nito.

Muli ay sumagot si Derek, this time, in defense of Joanne.

“Dear there is nothing wrong being a single mom. That is actually something you should admire. I know you are just defending Andrea but pls do it naman without being hurtful. Tnx,” sagot ni Derek.

Dagdag pa ng aktor, “You know naman ill defend andrea when may Marinig akong bastos tungkol sa kanya.”

Komento naman ng isang basher, “Hahahah! It was really true that you had-continued your real-sex after taping with Andrea on your previous series then, later you both became couple because of such… How many months it lasted again your relationship? ??? That’s WHO YOU ARE already ???? It was so true when there was one comment on both of your pictures with Andrea before that it won’t be forever or for long.”

Sarkastikong sagot ni Derek, “you know me so well noh?”

He added, “how can you be happy and laugh about all the things you are saying?”

Ang iba namang mga netizen ay ipinagtanggol ang aktor at anila ay huwag munang i-judge si Derek at hintayin muna kung ano ba talaga ang totoo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.