Abante Tonite Interactive

Andrea dumaan sa hirap bago nakaraos

599

Dahil bata pa lang si Andrea Brillantes ay artista na siya, aminado naman ang young actress na talagang puro work siya habang lumalaki siya. Pero choice naman daw niya ito.

“Nagkaroon naman ako ng life nang hindi pa ako artista, mga 7 years ‘yun. Kasi nag-start ako mag-artisa, mga 7 years old ako.

“Choice ko naman po ‘to. Dati, nagsisisi ako na kasi bata pa ako, ang naiisip ko na pagiging artista, madali lang. Sisikat ka, madami kang fans, mabibili mo lahat ng gusto mo. ‘Yun lang ‘yung naisip ko.

“Pero ngayon, ang dami pa pala. Ang hirap ma­ging artista. Ang dami kong natutunan. Ang dami ko ring pinagdaanan na sobrang hirap.

‘Yun ‘yung hindi ko naisip kaya sana, nasabihan ko ‘yung dating ako,” sabi ni Andrea sa presscon ng “The Ghosting” na horror film nila ni Khalil Ramos, showing on Aug. 28.

Kahit paano ay na-enjoy naman daw niya ang childhood niya.

“Nagkaroon naman ako ng konting childhood. Nagkaroon ako ng mga moments na naglalaro lang ako sa kalye, bibili lang akong mga street food.

“Then, nag-regular school naman ako. Nag-stop lang akong mag-regular school noong high school ako. Doon po ako nag-home school and ‘eto po ‘yung pinili ko and ‘eto ‘yung ginusto ko talaga.

Ito lang din ang alam kong gawin, ito rin ‘yung passion ko, ito rin ‘yung parang hope ko. And masaya naman po ako sa kung ano man ang meron ako ngayon,” pahayag ng pretty teener. (Vinia Vivar)