Abante Tonite Interactive

Andrea, Francine nag-away sa ‘PBB’

610

tonite-this-is-it-roldan-castroPanibagong hamon ang dala ng “Kadenang Ginto” stars na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, at Francine Diaz sa loob ng bahay ni Kuya, na susubok sa samahan ng natitirang teen housemates ng “PBB Otso.”

Sorpresa nga ang naging pagpasok ng “Gold Squad” na may special task na magpanggap na official housemates at ipunin ang lahat ng golden medals ng teen housemates para sa isang charity.

Para naman hindi mahalata ang kanilang diskarte, agad silang isinalang ni Kuya sa isang task kung saan kinaila-ngan nilang makakawala mula sa pagkakagapos sa kadena. Isang welcome party rin ang inihandog sa kanila, na naging daan naman para lalong makilala ng Kapamilya stars ang housemates ni Kuya.

Magdaragdag naman ng tensyon sina Andrea at Francine sa loob ng bahay dahil sa kunwari nilang pag-aaway na mauuwi pa sa iyakan. Ngunit ang hindi alam ng housemates, isa ito sa kanilang diskarte upang mapagtagum-payan ang kanilang task.

Magawa nga kaya ng “Gold Squad” ang kanilang misyon? Paano naman kaya sila mapipigilan ng teen housemates?

Samantala, opisyal na ngang parte ng Batch 3 Teen Big 4 ang “Boy Masigasig ng Nueva Ecija” na si Batit E­spiritu matapos niyang mapagtagumpayan ang Big Jump Challenge ni Kuya.

Mapapanood ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Meron ding “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.”
***

Nick Vera Perez,
Darling of the Press

Bongga si Nick Vera Perez, isang registered nurse sa Chicago, Illinois, international singer at businessman, dahil marunong siyang magpahalaga at mag-appreciate sa tulong na ginagawa sa kanya ng press people.

Deserving siya na ma-ging Darling of the Press dahil nagkaroon siya ng thanksgiving party sa mga ito, na ginanap sa Rembrant Hotel, Timog Avenue.

Binigyan pa niya ng papuri ang media. Pinaakyat niya sa entablado ang lahat ng press para sabitan ng medal na may nakalagay na thank you press.

“Alam mo I only have one life and I wanna do all right. Hehehe. I’m happy ‘pag happier kayo,” deklara ni Nick.

Tuloy pa rin sa pagpo-promote ng album si Nick na “I Am Ready” under NVP1 and distributed by Warner Music Philippines. Napapaloob ang carrier single niyang “Alapaap,” “Di Maglalaho,” “Di Ko Na Kaya,” “A-nother Chance,” “Hintayin Ko na Lang,” “Three Best Words,” “I Believe in You,” “Dito Sa Aking Puso,” “Keep the Fire Burning Within” at “My Mom,”na inihahandog niya sa kanyang ina na si Visitacion Tan sa unconditional love na ipinapakita nito sa kanya.
Talbog!

Abner Mercado 
balik-dokyu

Mistula mang mga bakas na lang ng kasaysayan ang mga sinaunang bahay at lugar sa bansa, taglay din nila ang mahahalagang kuwentong dapat malaman ng bawat Pilipino. Kaya nga-yong Miyerkoles (Mayo 22) pagkatapos ng “Bandila,” bibisitahin ng nagbabalik-dokumentaryo na si Abner Mercado ang ilang mga tanyag na heritage house upang magbigay-pugay sa kasaysayan at kultura ng ating bansa sa “#NoFilter” sa ABS-CBN.
***

AJ nagpatali na

Ikinasal na ang Viva-Kapamilya actor na si AJ Muhlach sa kanyang longtime girlfriend na si Anna Patricia Mabasa noong May 20.

Si AJ ay half-brother ni Aga Muhlach, dating mi-yembro ng XLR8, at huling napanood sa Kapamilya teleseryeng “Blood Sisters.”