Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea, Francine serye nominado sa ContentAsia

0 317

Nakakuha ng nominasyon ang Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” bilang Best Drama Series/Telefilm Made for a Single Asian Market sa prestihiyosong ContentAsia Awards 2021.

Makakatapat ng inspirational teleserye ang iba pang apat na nominadong programa mula sa Asya. Papangalan naman ang winner sa isang virtual ceremony sa Agosto 27 base sa kahalagahan at pagiging akma nito sa mga manonood sa Pilipinas.

Ang ContentAsia Awards ay inoorganisa ng ContentAsia, isang nangungunang information resource na nag-uulat tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific region.

Sinusundan ng “Huwag Kang Mangamba” ang kuwento ng magkapatid na Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) at ang misyon nila para kay Bro na muling mapatayo ang simbahan sa bayan ng Hermoso. Sa pamamagitan ng kuwentong ito, layunin ng seryeng iparating sa mga manonood na hindi sila kailanman nag-iisa at sa iba-ibang paraan ipinapakita ni Bro ang pagmamahal Niya araw-araw.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.