Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea, ginanahan kay Dennis

0 166

Sabi ni kayumangging-kaligatan bathaluman Andrea Torres ang pagkakasunod-sunod ng mga prayoridad sa kanyang buhay ngayon ay karera, pamilya at mga kaibigan.

Nakapinid muna ang kanyang puso sa usaping romansahan. Kung ang dati niyang katipan na si Derek Ramsay ay may pangmalakasang pag-amin na may relasyon na siya sa starlet of the highest order Ellen Adarna, walang pakialam ang babaing minsan ay minahal ni Ramsay.

Ang pamumuhay nang maayos ay talagang kanyang pinakamahusay na paghihiganti dahil kitang-kita sa kanyang TV panayam kung gaano siya kaganda sa kasalukuyan. Parang walang ininda at pinagdaanang relasyong tinuldukan.

Ganang-gana rin si Torres na katrabaho ang kanyang bagong leading man, ang Kapuso Drama King Dennis Trillo. Siya ang isa sa mga asawa nito sa “Legal Wives.”

Masaya si Andrea na kahit first time nilang magkasama sa nasabing cultural television drama, wala silang ilangan at nabigyang buhay nila agad ang kanilang mga katauhan.

Wala namang dapat ipagdabog ang bangs ni Jennylyn Mercado kung sakaling ginahahan si Torres sa jowa niya, huh!

Magaling na aktor talaga si Dennis kaya siguradong talagang grabehan ang truth na pinuhunan niya para mabigyang buhay ang kanyang katauhan lalaking tatlo ang asawa. Hindi naman kaya matuyot si Ishmael pag laon? Charot! Hahaha

Kris napasubo sumayaw

Ang Digital Empress, si Kris Aquino, mas kilala at hinahangaan natin sa kanyang interviewing skills. Kahit pa nga kadalasan, sa kanyang mga nagiging panayam, eh naipapasok niya ang kanyang mga kwentong buhay sa huntahan. Kahit pa nga dapat, yung subject niya ang mas highlighted. Pero, bet na bet naman natin pag nangyayari ang ganun kasi mas nagiging light hearted at fun ang chikahan.

Kaya nga ang diva that you love, amazed at amused sa isang patalastas kung saan siya ang bida. Suot ang isang blusang kulay kahel, dance kete dance si Aquino sa musikang parang ang inspirasyon ay ang cheer dancing iconic song na “Hey, Mickey!” Mukhang napasubo si Kris na sumayaw para sa ekonomiya.

In fair Verona, in sync ang moves ni Kristine Bernadette sa mga mananayaw na ka-join niya at ang gaan lang panoorin na she looked her best, maaliwalas ang mukha, matamis ang mga ngiti at ang aura, panalong-panalo.

Ikinaganda niya ang kulay kahel na blouse. Ang male counterpart ni Krissy para sa team kahel online shopping brand, siyempre pa ay ang the kindest host of them all na ang puso talaga ay busilak, si Willie Revillame.

Sana ‘yung bagong patalastas campaign, eh magkasama sina Kris at Willie para naman nerbiyusin ang team bughaw online shopping brand na mga millennial favorite ang ambassadors.

Tony, JC nanggulo sa Twitter

Ang mga diwata at sirena, nagkakagulo na naman sa Twitter. Bakit kaniyo? Kasi naman itong sina Tony Labrusca at JC Alcantara, ibang klase rin, huh.

Ang pagmamahal na ibinibigay nila sa isa’t-isa ay parang totoong-totoo.Hindi mo na ngayon malaman kung sila ba ay umaarte pa bilang Xavier at Mico, o sina Anthony at John Carlo na ang iyong pinapanood.

Sa mga eksenang umaarte sila bilang kanilang mga katauhan, madala-dala ka sa galing nila, pero yung kilig mo bilang sumusubaybay, raised to seventh heaven kasi, pag sumigaw ang director nila na “cut” na ang eksena, biglang magyayakapan sina Labrusca at Alcantara, ubod higpit! Hubad baro pa si Tony kaya laman sa laman talaga ang magkadikit.

‘Yung mga paghilig ni Labrusca sa balikat ni Alcantara, paghahawakan ng kanilang mga kamay habang magkatabi sa upuan o kaya nagbabatuhan ng mga linya, ‘yung masuyong pagyakap ni Tony sa bewang si JC na sinasabi sa lahat na “akin” ang kanyang katambal habang inaamoy-amoy ang leeg nito! Juice colored! Aktingan pa ba ito o totohanan na talaga?

Leave A Reply

Your email address will not be published.