Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea gumaling sa pagkabulag

0 284

Magsisimula na ang misyon ni Mira (Andrea Brillantes) na ibahagi sa kapwa ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos matapos pagalingin ni Bro ang pagkabulag niya noong nakaraang linggo sa ABS-CBN inspirational series na ‘Huwag Kang Mangamba’, na napapanood gabi-gabi sa TV5.

Nangyari ang himala matapos pagbantaan ang buhay ni Mira dahil sa pagkakalat niya ng balitang kinakausap siya ng Diyos, na hindi naman pinapaniwalaan ng mga taga-Hermoso.

Tutulong naman si Mira kay Father Seb (Enchong Dee) na muling maipatayo ang dating simbahan ng Hermoso, ngunit hindi pa rin magiging sapat ang nangyaring milagro para makumbinsi si Joy (Francine Diaz) na nagsasabi siya ng totoo.

Isa naman sa makakalaban ni Mira si Deborah, ang sikat na faith healer ng bayan, na aakusahan siyang sinungaling at patuloy na magkukunwari na siya lang ang tanging nakakakita sa Diyos.

Napapanood ang ‘Huwag Kang Mangamba’ gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.