Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea hindi imbitado sa debut ni Francine

0 182

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ng mga Marites at mga Tolits ang nalalapit na debut ng Kapamilya actress na si Francine Diaz.

Dahil sa pandemic, hindi kasi ito natuloy noong si January 27 where she turned 18.

Gayunpaman, binigyan naman siya ng surprise birthday treat ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog na naging “Disney Princess” siya.

Pero ngayong Pebrero 26, matutuloy na ang nasabing debut.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Francine na malungkot siya dahil hindi makakadalo sa nasabing pagtitipon ang dalawa sa kanyang best friends: sina Jayda Avanzado at Ashley Diaz.

Hirit pa niya, bihira raw makakita ng mga tunay na kaibigan sa showbiz tulad ng dalawa.

May mga katkatera naman ang nang-iintriga kung bakit walang mention daw si Francine kung imbitado ang kanyang mga kasamahan sa Gold Squad.

May nangi-intriga na umano’y hindi imbitado si Andrea. True ba ito?

May kibitzers naman ang nagtataas ang kilay kung in good terms pa rin ba sina Francine at Andrea pagkatapos mapabalitang sinugod umano ni Blythe sa dressing room ng una sa set.

Lalo pa itong pinalala ng pagje-jelling umano ni Andrea kay Francine nang mag-circulate ang photo ng FranSeth.
Pero, sa isang interview kay Kyle Echarri, sinabi ng actor na buo pa rin daw ang nasabing grupo .Looking forward siya to do more vlogs with Francine, and of course, with SethDrea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.