Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea humugot ng ‘kabastusan’

0 47

NI: CRISTY S. FERMIN

Nakuha ni Andrea Brillantes ang atensiyon ng buong bayan nu’ng nakaraang halalan. Pero sa kanegahan. Sa paglantad ng mga numero kung sinu-sinong politiko ang nanalo at natalo ay hindi pa rin nabahag ang buntot ng babaeng ito.

Kung gaano siya kaingay nu’ng kampanyahan ay nadoble pa ang kanyang pagiging maangas, tinawag niyang bobo ang mga kumampi kay BBM, nasaan daw ang utak ng grupo?

Marunong namang magbasa at magbilang si Andrea, nagbibilang nga siya ng karelasyon, pero kung bakit hindi niya maintindihan na super-kilometriko na ang layo ng kalamangan ng ayaw niyang politiko sa minanok niyang kandidato.

Balita nami’y may mga nagpapayo naman sa dalaga na manahimik na dahil nagdesisyon na ang publiko pero sadya nga sigurong matigas ang ulo ng babaeng ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng isang hindi nagkakagusto sa mga pasaring ni Andrea, “Saan ba humuhugot ng tapang at kabastusan si Andrea? Sana, kung gaano kakapal ang kilay niya, e, ganu’n din kakapal ang pang-unawa niya!

“At sana, kung gaano siya kakapal maglagay ng mascara, e, ganu’n naman kanipis ang kaangasan niya!” sabi nito.

Walang alam sa kilatis ng politika si Andrea Brillantes, binabasa nga lang niya ang mga isinisigaw niya sa entablado ng Kakampink, pero kung makaasta siya ay para bang napakalawak na ng kaalaman niya sa mundong pinasok niya.

Pero kailangan din nating alalahanin na mamamayan ng Pilipinas si Andrea, may karapatan siyang maging malaya sa pagpili ng napupusuan niyang kandidato, hindi siya dayuhan sa bansang ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.