Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea inaabangan pasabog kay Derek

0 86

Umamin na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na hiwalay na sila. Isang taon lang ang tinagal nila bilang magkasintahan.

Sa romantic entanglements ni Ramsay, laging umaabot sa five years ang mga relasyon niya. Maski itanong niyo pa sa 5 Year Ex GF Clun niyang ang miyembro ay sina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca.

Yung sa kanila ni Cristine Reyes, hindi ako sigurado kung talagang marubdob na relasyon pero mas maikli yata ang lambingan nila.

Ngayon, na tila Ramsay is milking the situation dry by answering all those who hound and pester him sa kanyang social media accounts, ang kanyang ex na si Torres, silence is her best defense and golden ang drama niya ngayon.

Abang na abang na ang lahat siyempre sa version of her truth about the break up kasi nga may drama na si Derek na walang third party so yung mapaglaro ang mga imahinasyon sa diumanong relasyon nila ni Pops Fernandez, binoldyak na niya.

At kung may magpipilit na gusto nitong makipagbalikan kay Joanne, tiyak sosoplahin rin ni Ramsay kasi nga in full engagement siya sa mga dalahira, katkatera at mang-uurat.

Kung kaya ba ang nasa sapatos ni Torres, magsasalita ba kayo? Will spill some major, major beans or unleash the skeletons ni Derek kung meron man? Or mas pipiliin mong manahimik, magpagupit ng buhok and be ,pre devastantingly beautiful kasi nga living well, after a break up is your best revenge.

Kesa nga namang rumayray at magwalwal si Andrea sa kung saan- saan, mas mainam na she acts like a lady, lalo na ngayong it has ended.

Tutal, lalaki LANG si Derek Ramsay at hindi ka mamatay Andrea Torres kung wala na siya sa iyo. Mas nakakamamatay na na mawala ang oxygen sa buhay mo kesa sa lalaki, noh!

Dahil ganap na ito, hindi na pwedeng itanggi pa na wumawasak ng puso si Ramsay lalo na nga’t panalong-panalo naman talaga ang huling babaing minahal niya raw.

Kaya kay Andrea , kung handa ka na magkwento, lahat ay all ears and heart. Kung hindi naman, nirerespeto namin ang iyong pananahimik. Sending you light and hugs.

Ms. Everything, mga baklang kanal dinurog

Dahil may anti-gobierno nacional sentiments ang YouTubers na sina Mimiyuuh, Pipay, Macoy Dubs at anim pang bading na malakas ang following sa nasabing platform at kasama pa nga rin sa kanila si Juan Miguel Severa, tinawag na mga “baklang kanal’ ang grupong ito. Nagpapahalakhak, naghahatid aliw at pinag-iisip ang kanilang followers at subscribers.

Vicious attack at verbally abusive ang mga umaaglahi sa league of extra ordinary bekis na ito mula sa mga bayarang aliping saguiguilld.

Grabehan ang kanilang mga emote na ang mga nasabing personalidad ay hind dapat tularan, masamang impluwensya sa mga kabataan at dapat isumpa dahil sa kabaklaan.

Poot na poot ang mga nakakainis na nagmamalinis pero maruming-marumi rin naman na para mabuhay ay trolling ang ginawang karera.

Shame on these people na porke may mga pamumuna ang mga bakla sa mga politikal na kaganapan, below the belt ang mga pag-atake sa mga diwata.

Ang ganitong kalakaran ay hindi dapat tularan at mas dapat kondenahin! Nasa demokrasya po tayo at kasama sa isang masigla at metatag na demokrasya ang mga pamununa at pagpansin sa mga kakulangan ng mga naghaharing uri.

Hindi na po uso ngayon ang tahimik na lamang at i-asa ang lahat sa mga Pulis Pangkalawakan at pwersa mula sa Sansinukob.

Si Eric Camata, na mas kilala sa kanyang pagiging Ms. Everything , hindi kasama sa baklang kanal posse pero pero trending si Camata kasi nga may video ito na kasama ang jowa! Yes, may jowa si Ms. Everything at ipinaalam niya ito sa lahat. Bravo! I-KMJS na iyan!Charot! Hahahaha!

Sa true lang. dapat lahat ng baklang may jowa, ipakita at ipakilala in public ang mga minamahal. Hanggang patuloy niyong itinatago sa dilim ang mga mahal,niyo patuloy na mananalig ang naghaharing uri na kaya niyo ayaw ipakilala kasi maski kayo, kumbinsido na nakakahiya ang inyong pagmamahalan at walang kapuri-puri sa inyong minamahal.

Kaya kay Andrea , kung handa ka na magkwento, lahat ay all ears and heart. Inaabangan na ang ‘bombang’ pasabog mo kung meron man.Kung hindi naman, nirerespeto namin ang iyong pananahimik. Sending you light and hugs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.