Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘inggit sa mga sikat na baguhan

0 112

NI: ARCHIE LIAO
Iniintriga si Andrea Brillantes dahil sa naging emote niya tungkol sa pinakaayaw niyang karanasan sa pagtratrabaho.

Ani Andrea, hurting daw siya kapag may nakikitang may baguhan na bigla agad ang sikat o madaling nabibigyan ng proyekto sa loob lamang ng maikling panahon sa showbiz.

Sa kaso kasi ni Andrea, nagsimula siya bilang child star at inabot ng sampung taon bago siya mabigyan ng malaking break sa pagbibida.

Ikinumpara pa niya ang sarili sa isang plato na tila nababasag kapag nasasaksihan niya ang mga pangyayaring ito.

Aniya, para kasing ‘unfair’ na iyong iba tulad niya ay matagal ang binunong mga taon bago magkapangalan at makakuha ng magagandang roles.

“Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na… ansakit… parang plato na binasag, ako,”ani Andrea.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon. Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba.Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin. Ang sakit-sakit. Sakit-sakit,” dugtong niya.

Dahil sa kanyang pahayag, maraming netizen ang inuurot ang batang aktres sa pagiging umano’y insecure o inggitera.

Ani kibitzers, dapat daw ay huwag mainggit si Andrea sa iba lalo na roon sa may impluwensiya sa management.

Dagdag pa nila, ang pagsikat naman daw ay pana-panahon kaya maging kuntento na lang siya at maligaya sa tagumpay ng ibang tao.

May nang-uurot naman kung sino raw kaya sa Gold Squad ang pinatutungkulan niya? Ito raw kaya ay ang kanyang kasama sa grupo na si Francine Diaz?

Leave A Reply

Your email address will not be published.