Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea, John Lloyd nagliliyab ang tambalan

0 105

Panahon na para pagtagpuin ang landas nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

Dapat silang pagtambalin sa isang espesyal na proyektong pampelikula, Tiyak na pag sila ay pinagsama, marami ang magiging mausisa, makikiliti at aasa na may mga nakadadarang na eksena na ang mahusay na aktor at may ibubuga naman sa acting ang dalaga.

Ang ex’s and why’s nilang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ay gamit na gamit ang social media para ipakita sa lahat na sila ay may bonding moments .Pinapakita nila na malapit sila sa isa’t-isa at umaastang parang isang pamilya, hayaan na natin sila sa kanilang pangmalakasang trip. Nasa demokrasya naman tayo kaya kung sa pakiwari nila wala silang tinatapakang iba at walangdapat umaray, let them be.

Ang diva that you love, kaya isinusulong ang pagsasamang JLC at Torres, wala namang masama di ba? Propesyonal ang dalawa.

Alam naman natin na acting wise, no way near si Derek sa pagiging mahusay na aktor ni Cruz. At sa true lang, di hamak na milya-milya ang lamang sa acting department ni Torres kay Ellen. Given na makinis at marikit si Adarna. Pero mas lalong given na babaing hamonada ito sa pagbibigay buhay at katarungan sa mga katauhang ginagampanan niya.

Kung deserving sina Ramsay at Adarna na maging magkaibigan, ultra deserving sina John Lloyd at Andrea na maging magkapareha . Tiyak na win-win kahit saan anggulo tingnan.

Kaya sa mga producer diyan, hinog na ang panahon na sugalan ang tiyak na mala-apoy na nakakapasong tambalang ng pambansang aktor John Lloyd Cruz at Pilipinang bathaluman Andrea Torres.

@@@

SM food to go Banner Ad

Metro Manila Summer filmfest malabo

Talaga bang ang Metro Manila Summer Film Festival ay magiging isang alaala na lamang? Isang senador pa man din ang nagpanakula nito bilang “tulong” sa industiya ng pelikulang Pilipino para marahuyo muli ang mga manood na pumunta sa mga sinehan. Kaso nga nangyari ang pesteng pandemya at sa susunod na buwan na nga ay isang taon na tayo na nasa ilalalim ng quarantine status.

Halos lahat ng mga pelikulang kalahok rito ay ipinalabas na. Ang Alex Gonzaga, Kylie Verzosa at Xian Lim starrer na “Love The Way You Lie,” umariba na sa Netflix.

Ang “Tagpuan” “Isa Pang Bahaghari” at “Coming Home” ay isinali sa online edition ng MMFF 2020. 3rd best picture ang Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao movie. Luhaan sa major awards ang Nora Aunor drama at walang pakialam ang mga online manonood sa pelikula ni Jinggoy Estrada. Tanging ang horror entry na “The Missing” ang nagparamdam ng pwersa sa online takilya.

Sa online platform rin ipapalabas ang movie nina Coco Martin at Angelica Panganiban,

Wala pang balita kung kailan ang playdate ng “A Hard Day” kung saan magpapambuno at magkakabugan sa aktingan sina Dingdong Dantes at John Arcilla.

Wala pa ring opisyal na anunsyo ang TREX Entertainment kung ano ang susunod na kabanata para sa kanilang pelikulan na ‘Ngayon Kaya.’ Tampok dito sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Nakakalungkot naman kung talagang sunog na at ibinato na sa basaruhan ang pestibal ng mga pelikula sa tag-araw. Ngayong magiging MGCQ na raw ang status natin, ang Dantes at Arcilla action drama, at ang Avelino-Gutierrez romansahan movie, sa mga sinehan na kaya natin mapapanood?

Leave A Reply

Your email address will not be published.