Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea keber mas matanda ang dyowa

0 239

Aminado si Andrea Brillantes na masaya siya sa relasyon nila ng basketball player boyfriend na si Ricci Rivero. Ito raw ang first relationship niya na open sa publiko. Masaya siya na maraming sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

“Masaya ako na sobrang excited din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin, na basketball player at first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public,” pahayag ni Andrea in an interview.

Bagama’t marami raw pabor sa kanilang relasyon ay may mga basher din at aminado siyang may takot din siyang nararamdaman.

SM food to go Banner Ad

“This time, hindi ko na talaga binabasa ang mga comments kasi I know na maraming mga bitter, maraming mga may nasasabi sa relasyon, doon lang ako natatakot, kasi first time ko nga ‘to na public so, hindi ko pa alam masyado i-handle.

“Eh very clingy pa naman akong tao. So ang daming mga nagsasabing masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” sey ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.