Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea kinabwisitan sa pagtalak

0 104

NI: ALWN IGNACIO

Isa si Andrea Brillantes sa young starlet na go for gold ang pangungumbinsi sa kapwa niya millennials, na sinasabing may pinakamaraming bilang ng mga botante, kung sino ang dapat mailuklok sa palasyo.

Blythe ang official account ni Andrea Brillantes sa IG. So, ‘yung Andrea Brillantes account na inilagay sa isang social media page na nagtatarang ito, ang diva that you love, hindi sigurado kung ang kasintahan nga ni Ricci Rivero ang nasa likod nito. O, pekeng account ito?

Sa true lang, ang diva that you love, hindi sumagi sa isip at kaibuturan ko na so unbecoming of a young starlet ang kuda nitong diumano ay si Andrea Brillantes. Ang mga pagtataray nitong may chance na poser account sa Twitter ay: “Seriously people??? Nasaan ang mga utak niyo???” May Tweet pa ang diumanong si Brillantes na: “Minsan mapapa wtf ka na lang talaga” at “Wala na akong pake sa respect my decision eme na yan! Sorry pero nakak-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!”

Siyempre pa, kinabwisitan ang pagmamaganda nitong Twitter Andrea persona at kaliwa’t kanan ang birada dito. Para sa mga nanginig ang laman dahil sa feeling niya ay may pribelihiyo siyang magmaganda at magsuplada.
Kamakailan, hindi rin nila tantanan ang “kapangahasan” nitong young starlet na maski sa isang konsiyerto ay naisingit ang kanyang political pick.

Well, we are in the world’s healthiest democracy kaya kung bugbog sarado si Andrea Brillantes Twitter version dahil sa kanyang mga pinagsasabi, tanggapin na natin na part of her hormones and youth kaya may hanash na ganyan.

At alam naman natin na kahit ano pa ang sabihinng Twitter account na ‘yun, ang nakatakda ay nakatakda na . Hindi na ito mababago pa ng kahit na anong paga-analisa, mahika at siyensya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.