Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea kuripot sa sarili

0 277

Hinahangaan si Andrea Brillantes dahil sa edad na 17 ay nakapagpundar na siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Andrea sa interview ni Bianca Gonzalez sa “Cinema News: At Home Edition”, nangungupahan lang sila noon at apat na beses nagpalipat-lipat ng matitirahan.

Kaya nang magsimulang kumita bilang aktres ay nag-ipon siya para magkaroon ng dream house sa halip na bumili ng mamahaling gamit. Nagkuripot talaga siya. Di bumibili ng mga designer bag, sapatos.

SM food to go Banner Ad

Nasa 400-square meters ang lote nito at may dalawang palapag.

“Lagi kong iniisip, ‘Ito para sa bahay ito, ito para sa ganyan’ since ako ang nagpo-provide sa bahay namin,” kuwento ni Andrea. “Nagtatabi ako ng mga ipon.”

Nang mapasama siya sa ‘Kadenang Ginto’ ay napadali ang construction ng kanilang bahay na sinimulan noong August 2019 at malapit nang matapos. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.