Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea bumigay kay Seth

0 75

Ang cute ng dating ng interbyu ni Seth Fedelin sa ka-loveteam na si Andrea Brillantes kaya naman kinilig na naman nang bonggang bongga ang SethDrea fans.

Sa latest video na in-upload ng The Squad Plus sa YouTube titled “Squad Chat – Seth Interview Andrea,” nag-ala-Boy Abunda si Seth sa pagi-interview kay Andrea at talaga namang naaliw kaming panoorin sila.

Tanong ni Seth kay Andrea, “kamusta kayo ni Seth?”

“Okay naman ho kami,” sagot ni Andrea.

Follow-up question ni Seth, “may nadagdag ba sa samahan n’yo?”

Sagot naman ni Andrea, “ay opo. Lalo na po nun’g lock-in kasi araw-araw kaming nagsasama du’n, literal ho na araw-araw. Mas madami akong na-discover sa kanya na ‘di ko alam dati.”

At this point ay nakakatuwa ang reaksyon ni Seth na patango-tango.

Patuloy ni Andrea, “ano pala siya, antukin, sobra! Natutulog po lagi lagi. Madami, madami pang. . .mabait naman siya, sobra. Matulungin, magalang at nakakatawa.”

Mas lalong kaaliw ang next question ni Seth. Aniya, “parang hindi ka na raw natatawa sa kanya kasi nababasa ko sa Twitter na parang medyo ano raw kayo, may problema, meron ba? Wala ba?”

Seryosong sagot naman ni Andrea, “wala!”

She added, “parang sa akin kasi siguro, ang mga fans, madami silang napapansin din. Ako, hindi ko rin naman sila masisisi, kasi ako, bilang. . .as a fangirl, kapag Blackpink, mga live nila, ang dami ko ring pinapansin.

“Pero kasi, sometimes, pag masyado nilang pinupuna at binibigyang pansin ang isang bagay, ang dami nilang nakikita masyado na hindi lahat ‘yun totoo.”

Pangiti-ngiti naman si Seth habang sinasabi ito ni Andrea.

Marami pang tanong ang young actor sa ka-loveteam na talaga namang nakakatuwang panoorin. Sa dulo ay nagkaroon pa ng fast talk si Seth kay Blythe at isa sa tanong ay “chocolate o ako?”

Akala ni Seth ay chocolate ang isasagot ni Andrea dahil matagal itong hindi sumagot kaya sey niya, “o sige na, chocolate.”

Pero sabi ni Andrea, “sige na, ikaw na nga, sweet ka rin naman.”

Related Posts

Hahaha!

Isko natakot sa Delta

Balik-trabaho na si Manila Mayor Isko Moreno matapos niyang gumaling mula sa COVID-19. Natapos na rin niya ang quarantine kaya naman nakapag-report na siya sa opisina at nakapag-Facebook Live na rin.

Ayon kay Yorme sa FB Live, mild COVID-19 lang ang dumapo sa kanya pero talagang ininda rin niya. At mabuti na lang daw na fully vaccinated na siya.

“Tinira po ako ng sakit ng katawan. Sobra po, mga kababayan, sobra po ako na itinumba nito. Ako po ang nagsasabi sa inyo, itinumba po ako nito, literal.

“Nahirati po ako sa kama. Masakit po sa katawan, ininda ko po talaga. Akala ko bata ako, okey, eh, hindi. Masuwerte ako, bakunado ako. Wala akong panlasa. Ngayon, konti pa lang yung pagbalik ng panlasa ko,” pagbabahagi ni Yorme.

Pareho silang nagpositibo sa nasabing deadly virus ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna pero Delta variant na raw ang tumama sa kanyang bise alkalde.

“Grabe po, humahapo po kami, pero salamat sa Diyos, nakaligtas kami. Tanong, matigas ba yung katawan ko kaya ako nakaligtas o dahil nadagdagan ako ng proteksyon dahil may bakuna ako?

“Ako ho, to conclude and to share to you, the same thing with Vice Mayor Honey Lacuna, pareho kaming Sinovac.

“Si Vice Mayor Honey Lacuna, just so you know, Delta ang tumama sa kanya. Ang bakuna niya, Sinovac. Nakaligtas po siya. Hindi ko po ikinukubli sa inyo, si Vice Mayor, Delta. Tinamaan, nagka-pneumonia, nakaligtas dahil sa bakuna,” ani Yorme.

“Of course, sa (tulong ng) mga gamot at antibiotics. Ganoon din ako, dahil sa mga doktor at sa antibiotic. So, ako po ang nagsasabi sa inyo, ang mabisang bakuna ay ang bakunang nasa braso ninyo,” dagdag pa ng alkalde.

Kaya muli ay nagpaalala siya kung gaano kaimportante ang bakuna para makaligtas sa killer virus.

“Hindi po garantiya na buhay ka, makakaligtas ka kung bakunado ka kapag na-impeksyon ka ng COVID-19. Pero ako na po ang nagsasabi sa inyo, malaki ang probabilidad na tayo ay mabuhay at makaligtas.

“Malaki ang probabilidad na tayo ay mabuhay kapag tayo ay bakunado. Malaki rin ang probabilidad na tayo ay mamatay kapag tayo ay naimpeksiyon ng COVID-19 na hindi tayo bakunado.

“Mano pa, kapag Delta ang nakuha ninyo, mas matapang, mas delikado, at alam natin na maraming namamatay. ‘Yan ang katotohanan. Kaya ang payo ko, get go vaccinated as soon as possible,” pahayag ni Yorme.

Leave A Reply

Your email address will not be published.