Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea nagbanta ng cyber libel

0 76

Ang pangmalakasang pangabog ni starlet of the highest order Andrea Brillantes sa walang patumanggang pagtalak sa kanya ay: “Anumang ipukol sa akin, kailanman ay di ko pagsisisihan na ako’y nanindigan. Para ito sa lahat. Para ito sa bayan. Sa huli, isang Pilipinas lang ang ating pinaglalaban.”

Sa true, bilang bansa na sinasabing one of the healthiest democracies, ang pagtatarang ni Brillantes ay patotoo nito. Hindi naman misplaced ang kanyang sentimyento at karapatan niyang ibunghalit ang kanyang saloobin. First time voter ang kasintahan ni Ricci Rivero at sa kanyang pakiwari, may katwiran ang kanyang mga katwiran.

Andrea is one of more expressive ones na will not take the present political situation silent at nakaupo na lamang. Ibigay natin sa kanya ang kanyang democratic space. Mas mabuti na inilalabas niya ang kanyang saloobin dahil karapatan naman niya ito.

At dun sa ayaw tantanan si Brillantes, naway hindi naman sobrang malala at below the belt ang mga birada niyo lalo na nga’t may anti-cyber bullying law na .May batas na nakaamba para protektahan ang babae at relatively bata pa at that na maari niyang gamitin sa inyong mga katkatera at tsismosang totoo.

Bahagi ng official statement ng Aguila Artist management , humahawak ng career ni Andrea, “Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng kasong cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming team

para sa kinauukulang aksyon.”

SM food to go Banner Ad

SB19, Ben&Ben sanib-pwersa sa pasabog

Sanib pwersa ang SB19 at Ben&Ben sa video na ang pamagat ay “Kapangyarihan”.

Ang kambal na sina Paulo Benjamin at Miguel Benjamin Guico, kasama ang kanilang band mates, at sina John Paulo Sase (Pablo), Josh Cullen Santos, Justin de Dios, Felip John Suson (Ken) at Stellvester Ajero (Stell), ang handog nilang kanta ay talaga nga namang nakakapukaw sa pag-iisip. Nagpapaigting ito ng makabayang damdamin at nakakaganyak ng kaluluwa.

Hinimok ng kanta na huwag matakot, makibaka, lumaban sa naghaharing uri dahil ang kapangyarihan ay galing sa mga taong iniluklok sila sa kanilang kinalalagyan.

Ang visuals pa sa video ay talagang nakakapanindig balahibo, ang lamyos ng boses ng Ben&Ben at ni Ajero, pati na rin ang angas at gigil na damang-dama sa rap parts nina Ken, Pablo, Josh at De Dios. Talaga namang gigising sa iyo, masangkot at makialam sa kasalukuyang politikal at pang-araw-araw na mga kaganapan.

Tapos, sa bandang huli ng performance video, itinampok pa ang kulay ng watawat ng Pilipinas na pumukaw lalo sa pagiging makabayan at kagitingan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.