Andrea nagmaldita sa tsimosa

NI: ARCHIE LIAO
Maraming netizen ang nag-react sa pagsesermon ni Andrea Brillantes sa komento ng isang follower sa kanyang Tiktok account.
Ito ay sa kasagsagan ng isyu ng feud nila ng co-Gold Squad member na si Francine Diaz.
Hirit ng isang nagngangalang Steph:
“Usap Muna bago drama sis.”
Nagmaldita naman si Andrea sa pamamagitan ng pagkastigo sa naturang netizen.
Buwelta niya: “Ikaw na tsismosa ka, wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nagdadrama.Iyan ang problema sa inyong mga tsismosa,eh.”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang pagtataray.
Ito ang ilan sa kanilang komento.
“Ang bagong negastar.”
“Patola si Ate at wa poise.”
“Hahaha. Lumabas pagka bratinella ni Andrea. Burn basher!”
“Hahaha yan ang di ko ma gets sa mga artista eh, super papansin sa mga intriga pag pinansin naman nagagalit. Chismosa kagad. Anong feeling niyo? Invincible mga posts niyo sa social media? Public figures kayo, natural paguusapan lahat ng ginagawa niyo kakaloka.”
“She can’t blame people. Alam ni Andrea na trending siya bc of the “issue” pati lyrics ng song tapos magagalit siya?”
“Drama in private na lang kasi. Not for everyone to see.”
“Hala, attitude ka girl? Kung ayaw mapansin wag ibalandra sa socmed ganun lang kasimple.”
“Ayaw niya ng pinagtsimisan pero siya nagkakalat sa soc med na nakapublic. Huwag magkalat kung ayaw mong pagtsismisan.”