Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea nagtangkang mag-suicide

0 53

Balik-tanaw si Andrea Brillantes sa kanyang nakaraan noon. Ito’y sa panayam ni Boy Abunda sa YouTube.

Aniya, namulat daw siya sa isang abusive father at aminado siyang lumaki na “aloof” at walang kaibigan.

Noong mga 13 to 14 years pa nga raw siya, marami na raw siyang pinagdaanang pagsubok.

May void daw sa puso niya dahil hinahanap-hanap niya iyong mga panahong masaya siya noong three years old pa lang siya na makulay at maligaya ang kanyang buhay.

Dumating daw siya sa puntong nag-contemplate ng suicide dahil sa patung-patong na problema niya.

Pero parang himala raw ang lahat nang humingi raw siya ng sign sa Diyos.

Ani Andrea, hiniling daw niya sa Diyos na bigyan lang siya ng pagkakataon at pagtratrabahuhan niya ang lahat.

Sa tamang panahon, ibinigay daw naman ng Panginoon ang hinihiling niya.

Naniniwala rin siyang may tamang panahon ang lahat.

Pagbabahagi pa ni Andrea, marami pa raw siyang gustong ma-achieve.

Pagpapakatotoo pa niya, gusto pa raw niyang maging superstar at yumaman.

Tungkol naman sa screen partner niyang si Seth Fedelin, inamin niyang espesyal sa kanya ang binata.

Natulungan daw kasi nitong maibalik ang kanyang old true self bilang Blythe dahil nakaka-relate siya sa mga karanasan nito.

Sa tanong naman kung payag ba siyang paligaw kay Seth, aniya kung sasagutin daw niya ito ay baka after five years pa sila umamin.

Walang kagatol-gatol din niyang sinabing confident siya na maghihintay ito sa kanya.

Katunayan, wala raw naman itong ibang nilalapitang babae.

Kung sakaling manliligaw daw ang love team partner sa iba, hindi rin daw niya ito papayagan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ayoko. Ang commitment ay commitment. Di ka puwedeng mag-commit sa dalawa kundi sa isa lang,”pakli niya.

Sey niya, may usapan din daw sila ni Seth na magtutulungan sila parehas para marating ang kanilang goals.


Aljur absuwelto kay Padilla

Aminado si Kylie Padilla na mutual ang naging desisyon nila ng ex na si Aljur Abrenica na maghiwalay.

Gayunpaman, kahit hindi na nagsasama sa iisang bubong, tuloy daw naman ang co-parenting nila sa kanilang mga anak na sina Axl at Alas.

Sa isang panayam, nilinaw niya na hindi third party ang dahilan ng naging hiwalayan nila ni Aljur tulad ng napabalita noon.

May kinalaman diumano dito ang ang estado ng kanyang mental health noong panahon ng pandemic.

“During the first season of the pandemic, nahirapan talaga iyong ex ko sa akin, “aniya. “Parang kaaway na ang tingin ko sa lahat. I don’t know why. I had post-partum anxiety and depression. Tapos I have two kids in just a span of two or three years. Talagang napagod talaga ang katawan ko noon,” dugtong niya.

Dumagdag pa raw sa anxiety niya nang ipatupad ang lockdown dahil sa paglaganap ng Covid-19 virus.

“Nabaliw-baliw ako noong time na iyon na I thought the world would gonna end. Actually, sobrang complicated siya.

Sobrang harsh ang naging effect niya sa akin… na may moments na halos mabaliw-baliw ako na hindi ako makatulog,”paliwanag niya.

Katunayan, sa sobrang pagod daw, may mga pagkakataong hirap na hirap siyang kumilos para i-motivate ang kanyang sarili.

“My body gave up on my me. Everytime, I would stand up, nanginginig iyong katawan ko,” pagbabalik-tanaw niya.

Nakabawi na lang daw siya noong second season ng quarantine kung saan nagsimula na siyang magpaka-busy.

“I bounced back kasi I needed to relax my mind and listen to the needs of my body. I tried to get back in shape. I did a lot of meditation para ma-relax, to rest and to sleep,”ani Kylie.

Marami rin daw siya napagtanto dahil sa pandemic.

“I realized my mortality.I became braver with my choices… na I gonna to do what I want, “pagtatapos niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.