Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea nagtaray sa hamon ni Belo

0 47

NI: ARCHIE LIAO

Nag-unbox si Dr. Vicki Belo ng mga regalo sa kanya.

Ilan sa gifts na natanggap niya ang Chanel flap bag, small Kelly bag, Hermes BTS bag, Hermes lipstick, Fendi bag, Charlotte Olympia shoes, at Tiffany & Co. bracelet.

Ani Dr.Vicki, karamihan daw ng mga regalong iyon ay bigay sa kanya ng mister na si Hayden Kho.

Ang iba raw luxurious items ay custom-made pa para sa kanya at tanging iilan lang sa ‘universe’ang meron.

Sobra namang namangha ang kanyang guest na si Andrea Brillantes sa branded items na regalo ni Hayden sa misis.

Ayon Kay Andrea, hindi raw niya bet ang tumanggap ng mga regalo dahil mas fulfilling sa kanya ang magbigay.

Thankful naman ang Kapamilya actress dahil binigyan siya ni Dra.Vicki ng cute na Dior bag.

Sa naturang vlog, sumalang din ito sa acting challenge kung paano niya ipo-project kapag minemenos siya bilang isang purita at hampaslupa.

Hirit ni Andrea, paboritong linya raw niya ang pamosong linya ni Maricel Soriano na “Ayoko ng masikip.Ayoko nang walang tubig. Ayoko ng mabaho. Ayoko nang walang pagkain.Ayoko ng putik.”

Nagtaray rin siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng malulutong na dayalogo sa situwasyon kung saan inaaglahi ang kanyang pagkatao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.