Abante Tonite Interactive

Andrea nakapuntos kay Derek

773

Todo sa kaswitan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Waging-wagi sa puso ni Derek ‘yung bonggang pa-surprise birthday party ni Andrea when he turned 43 nu’ng Saturday.

Iba ‘yung saya ng birthday boy dahil napagsama-sama ni Andrea ang lahat ng mga mahal niya at nasorpresa raw talaga siya, so winner si girl.

Present ang friends and family ni Derek, pati na ang binatilyo niyang anak na si Austin na mukhang chummy na rin ni Andrea.

Kaya ganu’n na lang ang papuri ni Derek sa kanyang girlfie sa post niya sa IG dahil hindi niya raw makakalimutan ang birthday niya na ito.

Ang cute nu’ng video ng AndRek sa party na kumakanta si Andrea ng “Total Eclipse of the Heart” at nakiki-join ang sintunadong si Derek kaya tawanan ang mga guest.

Si Andrea ay damang-dama ang sobrang pagkainlabey sa madamdaming birthday post para sa kanyang hunky boyfie.

“I’ve had numerous heart to heart talks with the Lord leading up to the day we crossed paths. I’d always tell him, ‘Lord, I feel like I’m ready but I trust your timing. I’m going to be patient. I know I’ll be able to tell if the person came from You.’

“Truly, when you let go and let Him handle it, amazing things happen.

From the very start we always say this – it’s as if the Universe is rooting for us.

“Everything is falling into place so easily and now, I can’t even remember how life was like without you. It’s as if I’ve known you for years. There is no doubt in my heart that you are my answered prayer.

“My love, I will never run out of ways to show you how much I appreciate you. I wake up everyday with one constant goal – to make you happy.

“Remember that you’ll never have to face anything alone. I’m just always behind you – cheering for you, comforting you and, my favorite, making sure you’re well taken care of.

“Happy happy happy Birthday @ramsayderek07 ! I got youuu! Hahaha! Surprise!!! Just want to remind you how special you are to so many people as well,” sey ng Kapuso actress.

Ang tamis din ng sagot dito ni Derek na, “Last night I was holding back the tears. What you did was something very special that I’ll cherish for the rest of my life. I love you so much, babe.”

Miss U France,Ireland, Malaysia lumagapak sa stage

Naawa kami sa mga kandidata ng Miss Universe 2019 na nadulas at lumagapak sa stage nu’ng prelims.

Bukod sa maliit at masikip ang hotel na venue ng event ay madulas ang stage, kaya kawawa ang mga candidate na natumba habang rumarampa sa catwalk.

Ang sama ng bagsak nina France, Ireland at Malaysia. Kung napasama pa ang lagapak nila ay baka nabalian pa sila at hindi na nakapag-compete. Kalerky!

Buti ang Indonesia ay nadulas lang at hindi pumlakda sa stage, naka-recover agad ito gaya nina Malta at New Zealand.

Nagmukhang kawawa ulit ang Miss U beauties nang isuot na nila ang kanilang national costume at ang baba nu’ng ceiling nu’ng backstage na kusina yata nu’ng hotel sa Atlanta.

Kaya ayun, sobrang dusa sila sa pagyuko para hindi tumama sa kisame ang mga headdress nilang matataas.

Kalukring! Alam nang ganu’n ang natcos event ay hindi humanap ng venue na mas malaki ang space, na hindi magsisiksikan at magbubungguan ang girls na naglalakihan ang costume at props.

Parang totoong walang budget at tipid na tipid ang Miss Universe, na hindi naman na talaga kasi ganu’n ka-big deal sa ibang bansa, maging sa Amerika kung saan ito nagsimula.

Parang tayo na lang ‘yung kapag dito ginaganap ang Miss U ay big-budgeted at pabongga ang mga ganap kaya impressed ang MU organizers.

Ayon sa chika ay 20 semifinalists ang pipiliin na ang isa ay magmula sa online voting. Inalis na raw this year ang ‘per continent’ format na buti naman dahil ang corny nung idea na ‘yon.

Sa Top 6 ay random questions ang Q&A at same ang question sa Top 3.

Napakasuwerte ni Gazini Christiana Jordi Ganados kung makaka-back-to-back win ang Philippines dahil ibang level ‘yung ipinakitang galing ng Miss U 2018 na si Catriona Gray.

Applauded ang silver eagle na natcos at golden phoenix evening gown ni Gazini nu’ng prelims, pero mahirap ang magiging laban ng 23-anyos na dalaga, so isang malaking good luck sa kanya.

Nasa winning streak ang Thailand na kakapanalo lang sa Miss International at Miss Supranational pageants, kaya malaki raw ang chance nito sa Miss U.

Palaban din daw ang Brazil, Colombia, France, Puerto Rico, India, Indonesia at Vietnam.

“It’s the possibility of having a dream come true that makes life interesting… Maraming maraming salamat, Pilipinas kong mahal! Lalaban tayo!” ang sey ni Gazini.

Abang-abang na lang tayong lahat ngayong umaga kung Winwyn Marquez o Lotlot de Leon ang ‘Pinas!

PAK!!