Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘nakipagplastikan’ kay Francine

0 196

NI:ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang pag-congratulate ni Andrea Brillantes sa post tungkol sa paglulunsad ng bagong tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Ito ay para sa seryeng ‘Dirty Linen’ ng Kapamilya network.

Bilang patunay na unbothered at sport siya, pinusuan din ito ng dating ka-loveteam ni Francine na si Kyle Echarri.

Hindi naman tinantanan ng team katkatera at sawsawera si Blythe dahil sa pag-like nito sa news tungkol sa bagong proyekto ng kanyang arch rival.

Ito ang Ilan sa kanilang komento.

“Wala bang bitterness si Andrea na napunta kay Francine si Seth?Di ba kaya nga niya inaway noon si Francine dahil natakot siya na mawala sa kanya si Seth.”

“Plastikada si ghurl.Bati na ba sila ni Francine?”

“Wow! Sana, buo na naman ang Gold Squad!”

“Keber na si Andrea sa FranSeth Basta may Ricci Rivero naman siya.”

“Di ba may musical series naman ang SethDrea, tuloy pa kaya iyon?” (Na-taping na ‘yun. Ipapalabas na lang-ED) .

Leave A Reply

Your email address will not be published.