Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘nasarapan’ kay Seth

0 87

NI: ALWIN IGNACIO

Naku, bago mag-ballistic ang inyong imahinasyon, si Andrea Brillantes sarap na sarap titigan ang mga mata ni Seth Fedelin. Kuda ni Brillantes sa isang social media post: “I have always dreamt of having green/hazel eyes. But I met you and realized that my eyes are fine as long as they could stare into yours.” May pa-smiley emoji at green heart emoticon pa ang dalaga bilang pagtatapos.

Ito nga bang pahayag na ito ni Andrea ang dahilan kaya may kung ilang oras na namayagpag ang pangalan ni Seth as a number one trending topic sa Twitter? ng kanyang katauhan?

At maliban sa mga mata niyang may ibang kulay, ano pa kaya kay Fedelin ang talagang ikinalulugod nitong si Brillantes? For real na ba ang fondness na ito at hindi paandar lang para mapag-usapan muli ang kanilang team up?

Well. Andrea Brillantes is Andrea Brillantes kaya hayaan na muna natin ang dalagang pangabog ang kagandahan at rikit kahit pa nga vertically challenge dito, huh.

Kung bet na bet niyang tingnan ang hazel green eyes ni Fedelin, ibigay na natin sa kanya ang trip niya. Saka katrabaho at kaibigan naman ang turingan nila kaya sige, magsawa ka Brillantes sa pag look the clook sa matang mapanghalina nitong si Seth.

Leave A Reply

Your email address will not be published.