Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea naudlot kay John Lloyd

0 337

Overwhelmed si Andrea Torres nang malamang balak siyang itambal kay John Lloyd sa isang sitcom na ipoprodyus ni Willie Revillame sa tulong ng GMA-7.

Dahil sa pag-back out ng Wowowinn host sa nasabing proyekto,lumalabas na nasa limbo ang sana’y pagtatambalan nila ni Lloydie.

Katuwiran kasi ni Willie, sobra na siyang busy at hindi na niya mabibigyan ng panahon pa ang tutukan at umarte pa sa nasabing sitcom.

With Willie out of the picture,may showbiz observers na nagsasabing tila malabo nang matuloy ang tambalan ng dalawa. Sa kanya kasi nanggaling ang ideya na pagsamahin sina Lloydie at Andrea. Malabo na raw itong mag-materialize maliban kung mananatili siyang co-producer.

Speaking of Willie, kahit nilinaw na niyang hindi siya tinabangan kay John Lloyd kaya hindi na siya tuloy sa project, may ilang dudoso na nahihiwagaan pa rin sa pag-back out niya.

Noong una raw kasi ang taas ng level ng enthusiasm ng TV host-actor na makatrabaho ang actor, pero ngayon daw ay tila bumagsak ito to a lower level.

Derek namanhikan sa ermat ni Ellen

Kahit parehong moderno at liberated, masasabing tradisyonal din pala ang mga pamilya nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Katunayan, mismong ang ina ng actor ang nag-push na mamanhikan si Derek sa mommy ni Ellen para hingin ang bendisyon nito sa kasal nila ng fiancee.

Kahit sabihin pang old-fashioned, naniniwala kasi ang mom ni Derek na kailangang gawin ito ng anak bilang respeto sa kanyang future in-law.

SM food to go Banner Ad

Aminado rin si Derek na medyo na-stress siya sa paghahanda sa kanilang kasal.

“I was so stressed!, Sabi ni Mom, my only wish is that we have to go to Cebu. We have to talk to the mom before you marry,’”kuwento ni Derek.

Gayunpaman,ipinaliwanag daw niya na hindi nila magagawa iyon dahil sa quarantine restrictions.

“We cant go because of the quarantine. No they can’t, they can’t, my parents, I don’t want to risk my parents,”paliwanag ni Derek.

Mabuti na lang daw at natulungan sila ng teknolohiya kaya natuloy ang “pamanhikan” via zoom meeting.

“We organized a Zoom version of the ‘pamanhikan,’ because as my mom says, I have to do that,” bulalas niya.

Ibinahagi rin ni Derek ang kabilin-bilinan sa kanya ng mahal na ina ni Ellen nang makausap ito.

“I spoke to the mom asking permission for her hand and she said okay but no return no exchange,” pagtatapos ni Derek.

Sey pa raw ng future in-law niya, number one fan na raw siya ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.