Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea nireto kay Derrick

0 599

NI: ARCHIE LIAO

Simple ang ginawang pagpapaka-witty ni Jose Manalo nang tuksuhin niya si Andrea Torres kay Derrick Monasterio na co-host niya sa GMA-7 reality show na “Catch Me Out Philippines.”

Guest kasi si Andrea sa naturang show kung saan ipinakilala niya ito bilang celebrity spotter.

Pagkatapos ng intro, lumabas si Andrea sa stage at game na sinakyan nito ang biro ni Jose.

“Napalabas ako kasi may gwapo daw, e. ‘Yung pinakagwapo,’ aniya. “Na-miss ko kayo at nakaka-miss ‘yung ganito. Happy na happy ako at nandito ako sa ‘Catch Me Out.’ Palagay ko mahuhuli ko sila,” pahabol niya.

Dahil kilala sa pangpe-playtime, hindi naman nakaligtas ang Kapuso sexy actress sa banter ni Jose habang inirereto ito kay Derrick.

“At kami happy na happy rin na nandito ka. Kaya naman, Andrea… si Derrick. Derek ba or Derrick?” ani Jose.

Sa puntong ito, ang kasamahan sa programang si Derrick Monasterio ang tinutumbok nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maagap namang sumalo si Derrick na : “DerRICK. Iba ‘yun, e.”

Speaking of Andrea, nag-post muli ito ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram account sa pagiging consistent.

Ito ay ginawa niya pagkatapos na makapanayam ni G3 San Diego sina Derek Ramsay at Ellen Adarna tungkol sa kanilang kasal this year.

Paniwala ng ibang bitchy netizens, patama raw ito ng aktres sa ex.

Habang nakasuot ng sexy workout outfit, may caption itong :”You don’t have to be extreme, just consistent.”

Matatandaang sinabi noon ni Andrea na kung siya ay magkakaroon uli ng boyfriend, ang susunod na dyowa niya ay dapat maging sincere at consistent.

Hirit naman ng ilan, bakit hindi nga raw magsama sa isang proyekto sina Andrea at Derrick lalo pa’t pareho naman silang sexy at nag-uumapaw ang sex appeal.

Katunayan, kung isasantabi raw ni Andrea ang kanyang qualms sa pagpapaseksi, matatalbugan nito si Ellen sa pagdi-display ng alindog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.