Abante Tonite Interactive

Andrea plano nang magpakasal?

664

Masaya ang naging huntahan namin nina katotong Roldan Castro at Beth Gelena sa aktres at Calatagan, Batangas Vice Mayor na si Andrea del Rosario nang maging guest siya sa ‘Tambayan ng Tsika’, online show ng Abante Tonite.

Unang inusisa namin sa dating Viva Hot Babe kung paano niya na-handle ang intriga sa politika, lalo na sa issue na dati siyang sexy actress?
Sagot ni Andrea. “Si­yempre, I always live by the saying na kumbaga, basta you have to be true to yourself when you run, you have to have the right drive, or initiative with whatever you wanna do in life. So, ako ‘yun lang, basta focus lang ako roon. Isi­nantabi ko lahat ng paninira, lahat ng mga siyempre ‘yung mga negative comments, and just focus on the goal.
“In everything in life, you just focus on the goal, eliminate the things that would stop you.”
Sabungera
Bukod sa buhay niya sa politika at showbiz, kilala na rin daw siya ngayon bilang sabungera at mangangabayo?
Nakatawang reaksiyon niya, “Hindi naman sabungera, kasi ano naman, breeder. Okay, if you wanna call it sabungera, fine. It’s okay because you know, this is a very big industry and marami talagang panatiko, ‘di ba? Naaliw lang ako, it started from this guy that I’m dating now. He’s also a breeder and then ‘yun, na­ging ano ako, kumbaga, mas lalong naengganyo. Now I’m breeding my own chickens, ‘yung iba ‘di ko matandaan kung anong mga klase,” nakangiting saad ni Andrea.
Patuloy pa ng aktres/public servant, “I also know how to play polo. Naglaro na kami ni Diether (Ocampo) before sa Bulacan. When we travel to America, I get to play with other people. As a matter of fact medyo naengganyo ako sa sport and I’m happy to say that this Southeast Asian Games 2019 will be in the Phi­lippines and the polo event, part of it will be in Calatagan.
Ukol naman sa kanyang businessman/polo player na boyfriend, nag-propose na ba siya? “Ah.. ano… hindi ko alam ang sasabihin ko eh, hahaha! Akala mo 19 years old ‘yung sasagot eh, hahaha! Hindi, pero siyempre kumbaga ay nagpaparinig, nagpaparamdam. So, hintayin natin siya in his own time.
“Pero huwag masyadong mag-wait ha, kasi tumatanda na rin ako, hahahaha!” ­pabirong sambit pa ng aktres.
Boto ang anak sa dyowa
Boto ba ang anak niyang si Bea sa ­kanyang boyfriend? “Yes, kasi ilang years na rin silang magkakilala eh, I think more than two years. So, parang iyon na rin ang parang nakagisnan niyang parang daddy na rin, eh. Actually, nag-uusap pa sila sa messenger, so, talagang close sila and he is a very nice guy.”
So, tito pa lang ang tawag niya, next year pa ang daddy? “Ewan ko kung saan nanggaling, pero ang tawag niya ay Titsy,” nakatawang sambit pa ni Ms. Andrea.
Si Andrea ay mapapanood sa mga pelikulang “Para sa Broken Hearted” starring Yassi Pressman, “Aurora” na pinagbibidahan ni Anne Curtis, “Elise”, starring Janine Gutierrez, “Ulan” of Nadine Lustre, at ang Cristine Reyes starrer na “Maria”.
Panoorin ang kabuuang interview ni Andrea sa ‘Tambayan ng Tsika’ sa Abante Tonite Facebook Page, Abante News Online Facebook Page, Abante Tonite YouTube channel at sa website na tnt.abante.com.ph.