Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea plastikada kay Ogie

0 269

Nababatikos ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil umano sa pangi-etchos niya sa talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz.

Sa isang video na na-upload sa vlog ni Mama Oggs, makikitang nagkita nang eye to eye ang dalawa sa dressing room para sa grand rally ng isang presidentiable.

Sa naturang vlog, nabanggit ni Mama Oggs ang banta ni Andrea na idemanda ang nagkalat ng balitang sinugod umano niya ang dating co-Gold Squad member at rival na si Francine Diaz. Hindi raw niya nagustuhan ang kumalat na picture ng huli kasama ang kanyang ka-love team na si Seth Fedelin.

Matatandaan kasing sa programa nilang Showbiz Update ni Mama Loi, nabanggit ni Mama Oggs na may naganap na ganoong insidente sa ABS-CBN ayon sa kanyang reliable source.

Sa hanash naman ni Andrea nang mag-live ito sa IG, bagamat hindi niya tinumbok kung sino ang reporter na source ng news, malinaw na ang tinutukoy niya ay si Mama Oggs.

Sa pagkikita nila, nabanggit ng talent manager ang tungkol sa pahayag ni Blythe na magsasampa ito ng kaso.

Itinanggi naman ito ni Andrea at niyakap pa ang talent manager.

Sinabi rin nito na dapat na nagkakasundo sila at nagpro-promote lang ng lab, lab, lab.

Sa tinurang ito ni Blythe, marami ang na-turn off sa kanya sa pangi-etchos niya sa veteran entertainment journalist.

Sa kaugnay na balita, marami rin ang naloka sa young star dahil sa ginawa nitong pangangampanya ng kanyang bet na kandidato sa concert ng Calista na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kamakailan. Hindi nila ma-take ang ginawang kaepalan nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.