Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea sasapawan si Ivana

0 226

ROMMEL PLACENTE:Sa March 12 ay ipagdiriwang ni Andrea Brillantes ang kanyang 18th birthday.Dalaga na pala ang dating child star.At lalo siyang gumanda at ang sexy niya,ha?

Sa latest pictorial nga niya na pinost sa kanyang Instagram account ay isa si Ivana Alawi sa nag-comment.Sabi niya,’Ay ganda!”O di ba,pati si Ivana ay humanga sa angking ganda at kaseksihan ngayon ni Andrea? Pero hindi kaya dumating ang time,na mapunta na ang interes ng mga fan, lalo na ng mga kalalakihan kay Andrea at hindi na kay Ivana? Kung maiisipan ni Andrea na magpa-sexy na rin ay baka nga siya na ang bagong pagpapantasyahan at mamahalin ng mga barako. Maging threat kaya pag nagkataon si Andrea kay Ivana?

At ngayong dalaga na nga si Andrea,pwede na siyang magka-boyfriend.At kung sakali ay baka ang ka-loveteam niyang si Seth Fedelin ang una niyang maging syota.Bongga kung magkakaroon sila ng relasyon.Ang mga tagahanga naman kasi,ang gusto nila,kung sino ang loveteam ay maging sila rin sa totoong buhay.Ganoon ang ilusyon nila,’di ba? Pero hindi kaya may relasyon na talaga ang dalawa at itinatago lang nila ‘yun sa publiko.Kapag magkasama kasi sila ay sobra ang sweetness nila sa isat-isa.Bagay sila ha? Maganda at guwapo si Seth.Kaya sana nga ay maging sila na.

Pero huwag nilang gawing priority ang lovelife dahil mga bata pa naman sila.

MILDRED A. BACUD: Blooming like a flower na nga si Andrea Brillantes.Ang debut ng isang babae ang napakaimportanteng chapter sa buhay nila.

Kapansin- pansin ang lalong pagganda niya kaya di nakakapagtaka na siya ang ang susunod sa yapak nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Grabe rin ang influence niya sa social media with 2.7 million subscribers sa YouTube at 10.7 million followers sa Instagram.

Ang susunod na project niya sa Kapamilya network, ang Huwag Kang Mamgamba kasama ang The Gold Squad na sina Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz. Tiyak na lalong magpapaakyat sa career ni Andrea. Nang mapanood namin ang trailer ay siguradong lulutang ang kanyang karakter.

Maihahambing ko si Andrea sa naging career path ni Kathryn Bernardo. Nagsimula as child star at posible na kung matatag ang loveteam nila ni Seth Fidelin ay sila ang makabagong KathNiel. Nakikita ko rin ang pagmamahal kasi nila sa mga trabaho nila kaya feeling ko kahit magkaroon sila ng relasyon ay hindi maaapektuhan ang mga career nila.

RODEL FERNANDO:Kaybilis ng panahon dahil dalaga na si Andrea Brillantes. Sa kanya ngang social media account ay may pa-countdown na ang dating child actress. Of course, halatang-halata sa kanyang mga post ang sobrang kagalakan sa nalalapit niyang 18th birthday.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siguradong hindi na siya hihigpitan ng kanyang parents dahil magde-debut na siya. Kung noong dalaginding pa siya ay marami na ang nanliligaw sa kanya eh sigurado ngayon na lalo siyang puputaktihin ng suitors. Iyan ay kung i-entertain niya dahil ang balita ay magpopokus daw siya nang husto sa kanyang career at ibang priorities sa buhay.

Pero siyempre iba naman sa sitwasyon niya kay Seth na itinuturing niyang special friend.

Anyway, kahit naman siguro magkaroon sila ng something o relasyon ay kaya naman pagsabayin ‘yan ni Andrea. Basta huwag lang puso ang pairalin niya ay sigurado naman na magiging succesful lalo ang career niya.

ROLDAN CASTRO: Tawang-tawa ako sa post sa Facebook ng scriptwriter na si Joni Mones Fontanos.
Aniya, “Ngayong tuluyan nang nagdalaga ‘tong si Andrea Brillantes, wala na. Mas tighter na ang competition.May kalalagyan na si Ivana Alawi.”

Agree naman kami kay Joni. Napakagandang bata ni Andrea at seksi. Susunod talaga siya sa yapak nina Liza Soberano, Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

At kung bagong pantasya ng bayan ang tatahakin ni Andrea, tatabi talaga si Ivana.

Pero, keri pa talaga na wholesome ang image ni Andrea.

Feeling namin tumanda na naman kami dahil dati kaming publicist ng serye niyang ‘Annaliza’ at ‘Hawak Kamay’. Nasaksihan namin ang pagiging bata niya .At ngayon ay magde-debut na. Advance happy birthday Andrea!

Leave A Reply

Your email address will not be published.