Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea, Seth nadulas sa anniversary

0 105

Pinakilig na naman ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin ang kanilang mga fans sa pamamagitan ng online interview nila last Saturday sa Star Magic YouTube.

Ang sarap panoorin ng dalawa coz kitang-kita na talagang close na sila sa isa’t isa and care for each other.

May sinasabi sila na anniversary nila ng June 23 na feeling namin ay nadulas sila. Ito raw ang most memorable day nila together.

“Eto ‘yung pina-blessing ko ‘yung sasakyan ko. Birthday ng bunso kong kapatid, una niyang na-meet ‘yung family ko, buo,” sabi ni Seth.

Sey naman ni Andrea, “tapos, meron pa, Ali (tawagan nila sa isa’t isa), pumunta tayo sa church nu’n.”

Sagot naman ni Seth, “eto ‘yung anniversary namin, nun’g pina-blessing ko ‘yung sasakyan ko, kasama siya.”

Tinanong sila ni Allora na nagi-interview sa kanila kung anon’g anniversary ‘yun.

“’Eto nga,” sabi ni Seth, “unang meet niya, tapos du’n kami nagsabi sa sarili namin about sa mga pangarap namin na gusto ko, sinabi ko sa kanya, “gusto ko, kasama ako sa mga pangarap mo, tutulungan kita, magtulungan tayo.’

“So, ‘yung simbahan na pinag-blessing-an ng sasakyan namin, du’n kami nagdasal, nagsimba kami.

“Tapos, nun’g nakaraan lang na June 23, dinalaw ulit namin siya (‘yung church) sa same na oras. Kailangang andu’n kami same na oras,” kwento pa ni Seth.

Nang matanong kung ano ang sweetest thing na ginawa nila sa isa’t isa during quarantine, ani Andrea ay ‘yung nagpadala raw ng boquet of flowers sa kanya si Seth.

“Ang total na nabigay niya sa aking bouquet ngayong quarantine, siguro, tatlo, tapos, isang sunflower,” sey ni Blythe (real name ni Andrea).

On Seth’s part, si Andrea rin ang sumagot at sey niyang natatawa, “inaway (ko) siya.”

Sagot ni Seth, “oo, kesa naman iba awayin mo, ako na lang” na ikinatuwa ni Andrea at maging si Allora ay nagulat at kinilig din.

Dagdag pa ni Seth, “at least, inaaway niya ako, importante ako sa kanya, di ba?”

Natanong din sila kung ano ang itsura ng next five years ng SethDrea at sagot ni Andrea, “nabili ko na ‘yung dream car ko, hopefully, tapos, sana, maayos na lahat. Hopefully, makita na ulit natin ‘yung sarili natin sa screen sa ABS-CBN, of course, sa ating home channel.”

By that time, saya raw ay may show na sila ni Seth ulit.

Sabi naman ni Seth, “five years ‘yan? Baka nililigaw na kita no’n, Ali.”

Pero seriously, sinegundahan naman ni Seth ang sinabi ni Andrea na sana nga raw ay balik na sa pagsasaere ang ABS-CBN by that time at napapanood na sila.

“Tapos siyempre, ‘yung magge-guest kami sa Gandang Gabi, Vice, tapos tatanungin ni Vice (Ganda), ‘kayo na ba?” natatawang sabi ni Seth.

Leave A Reply

Your email address will not be published.