Abante Tonite Interactive

Andrea sinundan ni Kyle sa Korea

663

Kaaliw ang mga millennial cast ng “Kadenang Ginto” na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri na tinagurian ding The Gold Squad. Palibhasa’y mga bagets pa, sa thanskgiving presscon nila last Friday, para lang silang mga naglalaro at halata mong nag-e-enjoy sa kanilang ginagawa.

Ang mga kuwento nila ay pang-bagets talaga na mga nangyayari sa daily lives nila as in wala pang kaseryosohan talaga. Pero magugulat ka naman dahil ‘pag pinanood mo sila sa serye, ang huhusay nila, in fairness.

May kuwento silang may deal daw silang apat na pag magkakasama sila ay si Seth ang magi-Ingles at si Kyle naman ang magta-Tagalog.

Abante Hiring – IT dep

Nagbigay sila sampol na “ngayon mo lang nalaman” na nang in-Ingles ni Seth, aniya, “today is your knowing.” Tawanan.

May mga nakakakilig ding kwento sina Andrea at Kyle nang magkita sila nang hindi sinasadya sa South Korea at sinorpresa ng huli ang una.

“Actually, dapat po pupunta ako ng Japan for Holy Week, tapos, alam ko po na pupunta siya (Andrea) ng K­orea. Tapos sinabi ng mom ko, na ‘sige, punta na lang tayo ng Korea.’ Ang plano ko was to tell her. Pero sabi ko, ‘sige, gawin ko na lang surprise.’ Hindi ko po sinabi sa kanya na pupunta ako ng Korea, nabigla na lang po siya na nandu’n ako,” kuwento ni Kyle.

Sabi naman ni Andrea, wala raw siyang kaalam-alam talaga pero nagtaka na raw siya sa larawang sinend sa kanya ni Kyle na nasa train ito at sa background ay Korean words ang nakasulat.

“Tapos, biglang bumibili ako ng Blankpink stuff, tapos mayroong nagsabi, ‘annyeong (hello in English)!’ Tapos paglingon ko, nandu’n si Kyle,” kuwento naman ni Andrea.

Pero take note na ang magka-love team sa KG ay sina Andrea at Seth kaya kinakantyawan tuloy ang young actor kung ano naman ang ihahanda niyang sorpresa sa ka-love team.

Samantala, happy ang apat sa napakagandang feedback at mataas na ratings ng kanilang serye. Ngayon pa nga lang ay may prediksyon nang baka sumikat din nang husto ang love team nila tulad ng KathNiel, LizQuen, at iba pang sikat na tambalan sa Dos.

Alex tinuruan ng leksyon

Nagbigay ng statement ang Paranaque City administrator Ding Soriano tungkol sa persona non grata issue kay Alex Gonzaga. Ayon sa ulat ng ABS-CBN entertainment correspondent na si MJ Felipe:

“JUST IN: Paranaque City Administrator Ding Soriano confirmed that THERE IS NO resolution to declare Alex Gonzaga persona non grata in Paranaque. ‘Mayor Olivarez not taking it personally because it’s part of ‘politicking.’ Gonzaga is set to meet Mayor Olivarez next week,” tweet ni MJ last Friday.

Ayon naman kay Toni Gonzaga, definitely ay may lesson na natutunan ang kanyang kapatid sa nangyari.

“There are lessons learned and she will move on from this, and ‘yun, ‘yung babaunin niya rito ‘yung lesson na natutunan niya,” sey ni Toni.