Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea ‘sinusuka’ si Derek

0 9,040

Nagkaroon ng one on one interview si Andrea Torres sa entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal.

Natanong siya tungkol sa kanyang lovelife at naging ex.

Aminado siyang single siya ngayon subalit hindi naman daw niya isinasara ang kanyang puso sa pag-ibig pagkatapos ng kontrobersyal break up nila ni Derek Ramsay.

Ani Andrea, ang pagiging consistent at honest ang mga katangiang hinahanap niya sa future dyowa.

Tungkol naman sa tanong kung willing siyang makipagbalikan sa kanyang ex kung muli itong magparamdam, aniya, never daw niyang gagawin iyon dahil siya raw naman iyong tipo ng babaeng ibinibigay ang lahat sa isang relasyon.

Dagdag pa niya, ipaglalaban daw niya ang isang relasyon kung worth it ito.

“I’m always 100 percent invested in my relationships. I will fight for it with all I have because I don’t like having “what ifs” in life. So, it takes a lot for me to decide to walk away. If that happens, if we end up parting ways, I know I already did everything,”aniya.

Komento naman ng isang netizen tila ‘sinusuka’ umano ni Andrea ang ex na gaya ni Derek na pinalitan siya agad.

Ganoon nga kaya ‘yun?

Tom handa nang pakasalan si Carla

Sa online Youtube channel ng GTalk TV, nalagay sa hot seat si Tom Rodriguez.

Naitanong sa kanya kung handa na ba siyang mag-propose sa kanyang nobyang si Carla Abellana.

“We never know. Like I said, when we’re ready,” ani Tom. “You never know, if it’s already happened or not,”dugtong niya.

Ang tanging masasabi lang daw niya ay handa na sila but it’s just a matter of time.

“We’re ready, we’re at that stage, we’ve talked about it a lot,”pagbabahagi niya. “It’s not something that you rehearse or script. Sometimes life just gets in the way so let’s see. You never know,” pahabol niya.

Ayon pa kay Tom, si Carla na raw talaga ang babaeng nais niyang makatuwang sa buhay.

Kung sakali raw mangyayari ang proposal, gusto raw niya na gawin iyon kung saan present pati ang mga magulang ni Carla.

“I would love to share it with people we love. I think that is the most meaningful, instead of like trying to go for the flare,”sambit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.