Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea tameme sa mga inosente

0 180

NI: ARCHIE LIAO

Magmula nang maghiwalay sina Derek Ramsay at Andrea Torres, hindi na tinigilan ng mga basher sa pamba-bash ang Kapuso hunk actor.

Nahusgahan kasi ang actor base na rin sa showbiz at non-showbiz relationships niya na hindi nagtagal.

Pakiwari rin ng mga netizen, si Derek ang tipong not of the ‘marrying kind,’ bagamat itinanggi na ito ng actor.

Bagamat nagbigay na ng panig si Derek tungkol sa hiwalayan nila nila ni Andrea, nananatiling tameme pa rin si Andrea tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Sa isang panayam, aminado si Derek na apektado siya sa patuloy na pamba-bash sa kanya dahil sa romansa nila ni Andrea na nauwi sa splitville.

Sey pa niya, wala raw siyang ideya kung bakit hanggang ngayon no reaction pa rin si Andrea sa mga maling ispekulasyong nauugnay sa kanilang hiwalayan.

SM food to go Banner Ad

“Ang tahimik lang si Andrea and yung pamilya niya,”aniya.

“Kung hindi man sila magsalita tungkol sa akin, magsalita naman sila sa mga inosenteng taong nadadamay,” dugtong niya.

Tila ibig sabihin ni Derek ay linisin naman ni Ada ang mga nasasangkot na inosente sa isyu sa kanila ng ex-boyfriend.

Dagdag pa niya, “For me, kapag may ibang taong nagsasalita ng masama kay Andrea na hindi totoo, sinasagot ko out of respect for her family and sa pagkakakilala ko kay Andrea, sinasabi ko.”

Gayunpaman, nirerespeto raw naman niya kung desisyon ng aktres na manahimik ukol sa isyu.

“I guess it’s just two different people. So, she has her way of dealing of things. I had my way of dealing with things. Pero napagod ako,” bulalas niya.

Sa ngayon, naguguluhan daw ang actor kung ano ang susunod na gagawin lalo’t naunsyami ang balik-tambalan sana nila ni Andrea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.