Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea tinalakan sa ‘kaplastikan’

0 225

Sangrekwa ang tinatanggap na kuda ni Andrea Brillantes.

Bakit kaniyo? Sa kanyang vlog na “Reading Assumptions About Me,” walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang sinagot ang mga haka-haka tungkol sa kanya. May isa siyang pagpapakatotoo na nakapagdabog ng bangs.

Ang pahayag ni Brillantes na sa pakiwari ng mga team talakera ay wala sa hulog: “Lumaki naman talaga ako na walang friends. Hindi na kasi importante sa akin na marami akong kaibigan. Kasi nga, believe it or not, maraming plastik sa showbiz.”

At dahil nga maraming plastik sa showbizlandia, para sa team talakera, si Brillantes ay buhay na halimbawa sa kasabihang “it takes one to know one”.

Hanash mula sa pangkat katkatera, “Birds of the same feather flock together!” Kung ano ang ipinapakita mo, iyan rin ang ibabalik sa iyo. Kung sinsero ka at bukal ang pagiging totoo, hindi ka paplastikin.

Tili mula sa team maldita, “What you project, you attract,” kung dama ang kabutihang loob ni Brillantes at tapat ito sa kanyang mga gawi at pinagsasabi, mga tunay na kaibigan rin ang kanyang magiging kasama at kasangga.

Ang dagdag pang tanong kay Andrea ang fondness at sweetness niya kaya para sa kanyang katambal na si Seth Fedelin ay para lang sa kanyang pagsikat at sa totoong buhay eh wala rin siyang kaamor-amor talaga dito?

Ano ang aral sa pagpapakatotoo vlog ni Andrea Brillantes? Naku hindi na kailangang sagutin ang tanong na ito, noh! No man is an island, yun lang!

Julie Anne, Lovi aariba sa Netflix

Ang taray, ang mga palatuntunang pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Lovi Poe, ipapalabas sa pinaka-popular na online entertainment streaming site, huh!

Ang bagong binyag na Asia’s Limitless Star, si San Jose, ang kanyang romantic comedy, ang “Heartful Café,” mid-October ang streaming sa Netflix.

Ang newly acquired Kapamilya namang si Poe, ang “Owe My Love,” na kapareha niya ang yummylicious na si Benjamin Alves, ay currently streaming na.

Ang bonggang career trajectory nito para sa mga artistang kasali sa mga nasabing palatuntunan dahil mas darami ang makakakilala sa kanila internationally. Madagdagan ang kanilang fan base at tiyak na mas marami ang magiging mausisa sa kanilang body of work.

Ngayon, mapapatunayan na ni Julie Ann na sky is the limit ang kanyang karera.

Si Lourdes Virginia naman, magandang boost ito sa stock niya bilang pinakabagong adisyon sa network na di pinalad magkaprangkisa.

Kay David Licauco, with his oh so Asian looks, naway mapa-stop at look ang mga ibang lahing beki at babae sa kanyang hotness. Ganun din kay Alves na talaga namang panalo ang kisig a tindig.

Salamat kina Julie Ann San Jose at Lovi Poe dahil makikita na sila ay perfect examples kung bakit talagang magaganda ang mga Pilipina at mahuhusay pa sa pag-arte, sa true lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.