Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrea viral ang hugot song sa TikTok: ‘Wag sayangin ang oras sa maling lalaki

0 372

NI: VINIA VIVAR

Viral ngayon ang mga TikTok video ni Andrea Brillantes na kumakanta ng mga hugot songs. Talaga namang milyon-milyon ang mga views.

Tulad na lang ng video na inili-lip synch niya ang Only Love Can Hurt Like This habang nakasakay siya sa yate, umaabot na sa 4.5M ang views nito.

Mas matindi ang isang video na kagigising lang niya at may background music na Lose You To Love Me, nasa 16.7M na ang views.

Ikinokonek ng mga netizen ang hugot songs sa issue ngayon ng SethDrea at Francine Diaz. Dagsa rin ang comments nila .Ang iba’y pinayuhan pa si Andrea na huwag sayanging ang oras sa maling lalaki at makahahanap din siya ng para sa kanya.

As we all know, nali-link kasi ngayon si Seth kay Francine although idenenay na ang issue ng manager ng young actress.

In fairness, ang daming nakikisimpatiya kay Andrea at inaakala nila na totoo ang tsismis kay Seth at Francine.

“It’s not okay, but it will be, trust me. Pray lang tayo,” komento ng isang fan.

“Jusko bat kase hindi nalang layuan yung mga taong alam na pinagseselosan di yung kapit din ng kapit alam na may masasaktan,” sey naman ng isa niyang supporter.

“Ok lang yan Blythe.. move on.. darating un mas better n mas deserve mo..” payo naman ng isang concerned netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.