Abante Tonite Interactive

Andrea walang kupas ang ganda, katakam-takam sa mga afam

By
598

Waging-wagi ang guesting ni Calatagan Batangas Vice-Mayor Andrea del Rosario sa Abantelliling show namin ni Rey Pumaloy sa Abante News Online, at Abante Tonite YouTube.

Sa true lang, kung maganda na si Andrea noon, mas maganda at seksi siya ngayon.

“Hindi naman, cute lang!” pangiti-ngiting chika ni Andrea.­

Dahil sa bonggang ganda, kaseksihan ni Andrea ngayon, bigla nga naming naalala ang panahon na ‘kinabaliwan’ siya ng isang Hollywood actor, si Vin Diesel. Hindi nga kasi nagbago ang itsura niya.

“Yeah, ibinalik ko ang itsura ko nung Lupe (launching movie niya) days pa. Hahahaha!” sabi pa niya.
Sa pagbabalik-tanaw pa ni Andrea sa naging karanasan niya kay Vin Diesel, kagagaling lang niya sa Boracay noon bago sila nag-Amerika.

“At mukha akong Pocahontas. Ganito rin ang hair ko. Super brown skin ako. Pocahontas talaga.

“Then, lumapit siya, nagpakilala siya. Sabi ko, kamukha siya ni Vin Diesel. Bar kasi ‘yon, kaya super ikot lang kami, sayaw lang kami. Then, sumunod na naman siya, binigay niya number niya, at lahat ng puwede niyang ibigay, ibinigay niya,” natatawang pagbabalik-tanaw pa ulit ni Andrea.

Isang magandang alaala na lang daw ‘yon na masarap balikan paminsan-minsan. Na minsan sa buhay niya, at kahit naman hanggang ngayon, isa si Andrea sa mga aktres na katakam-takam talaga sa mga afam.