Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrew 2 sports car ‘katas’ ng kampanya

0 202

NI: ALWIN IGNACIO

Totoo nga kaya ang chika na ang third world rapper na si Andrew E eh nadagdagan ang yaman in a major, major way? Isa siya kasi sa performers sa mga rally ni presumptive President-elect Ferdinand Marcos Jr. at presumptive Vice President Elect Sara Duterte-Carpio. Diumano ang cumulative talent fee niya ay to the tune of P20M?

True nga rin kaya ang chika na dahil super glorious ang talent fee ni Ginoong Espiritu sa pangmalakasang kampanya eh for all his hard work, eh ang treat nito sa sarili ay luxury sports cars? At hindi isa, kundi dalawa agad ang binili nito?

At how true na ang mga nanalig sa talino ni Andrew, eh gustong-gusto nga ba ng team pulahanes na magkatotoo ang meme na ang rapper na sumikat dahil sa kanyang pang-masang rap eh maging presidential spokesperson ni Ginoong Marcos?

Well, sa tamang panahon ang mga sagot sa katanungan ay ating malalaman. Kaya kung mararapatin ni Ginoong Espiritu na sagutin ito, more than welcome na welcome siya, sa totoo lang.

Ang diva that you love, ang gustong malaman, more than sa pagyaman ni Andrew E, eh sino nga kaya sa mga artistang sumuporta at nangampanya para sa presumptive President Marcos ang mabibigyang posisyon sa mga highly contested government posts?

Kay Liza Dino sa FDCP at kay Vivian Velez sa FAP, sino ang artistang hahalili sa kanila handpicked ni incoming Pangulo Marcos? Eh sa CCP at NCCA, ang Chairman’s Office na si Nick Lizaso ang head, artista na nga ba ang magpapatakbo sa mga prestihiyosong arts and culture institutions? MMDA pa rin ba ang mamahala sa MMFF 2022 o ibabalik na ang pagpapatakbo nito sa mga taga-showbiz industriya?

NORA MASUSUNGKIT NA ANG NATIONAL ARTIST

At siyempre pa, panahon na nga ba para ang nag-iisang Superstar Nora Aunor, sa wakas ay maitatanghal na bilang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Pelikula lalo na nga’t bukas na aklat ang pagiging maka-BBM ni Ate Guy?

Leave A Reply

Your email address will not be published.