Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrew bet balik-akting si Derek

0 49

NI: ROLDAN CASTRO

Gumagawa ng sariling pangalan ang utol ni Derek na si Andrew Ramsay.

“That’s what I want to push, I don’t want to always be known as kapatid ni Derek Ramsay,” deklara niya nang makatsikahan siya sa media launch ng Cutaway Productions at advance screening ng ‘Living In The Dead of Night: Director’s Cut’.

Si Andrew ay kasosyo sa CUTAWAY Productions, at siya rin ang director of sales.

Wish niya na pabalikin sa pag-arte si Derek . Kinukumbinsi niya ito na gumawa sila ng movie at siya ang mag-prodyus. Si Derek ang bida at siya ang supporting.

“ I really want to to do a movie together for CUTAWAY Productions, that’s my dream!I wanna do something with him,” bulalas biya.

Pero sa ngayon ini-enjoy muna ni Derek ang married life niya kay Ellen Adarna.

SM food to go Banner Ad

“He’s in love with Ellen! And I can’t blame him. So I’m happy for him,” sambit ni Andrew.

Siya ay produkto ng teatro at nag-training ng acting sa Liverpool Institute for Performing Arts, the Royal Academy of Dramatic Arts, and the Philippine Educational Theater Association. Andrew also earned his Bachelor’s in Fine Arts in Acting for Film sa New York Film Academy.

Bumalik siya ng ‘Pinas pagkatapos ng stints niya sa London at LA, para sumabak sa industriya.

Nag-audition siya at nakakuha ng role sa ‘Ginhawa,’ a feature-length film in

competition for the 2022 Cinemalaya Film Festival. Ipapalabas ito sa August 9, 6PM. Siya ay gaganap bilang si Anton Banal. Makakasama niya si Ruby Ruiz at sa ilalim ng direksyon ni Christian Paolo Lat.

Kasama rin si Andrew sa short film na ‘Living in the Dead of Night’ na gawa ni direk David Olson. Isasabuhay niya ang papel ni Tom na isang drug dealer.

May future sa showbiz si Andrew na wala sa anino ni Derek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.