Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Andrew Gan rising star ng bagong henerasyon

0 63

Sadyang napakabilis magbago ng panahon.Kung noon ay mga Indie films ang patok sa takilya ngayon ay nasa transition na tayo ng BL era, mapa series man ‘yan o movie talagang trending ang ‘Boys Love’ na pinag-uusapan ng mga netizens lalo na ng mga chismosa nating kapitbahay.

Kaya ang ating kuwentong tampok ngayong araw ay isa na naman produkto ng BL series, kilalanin natin si Andrew Gan nagsimula bilang isang basketball player at modelo na ngayon ay isa ng aktor, baguhan man sa pag-arte ay lumilikha na ito ng kanyang sariling pangalan.

Pero alam niyo ba na bago pa man pasukin ni Andrew ang showbiz tinapos muna nito ang kursong culinary arts (oh! diba ang yaman) sa Lyceum of the Philippines sa Maynila, subalit mas pinili nito ang pag- aartista kesa ang makulong sa kusina.

Sa aking pakikipagkwentuhan kay Andrew (hello! close kaya kami!) na ichika niya sakin na na-discover siya noong taong 2015 ni Rams David na manager din ng ilang mga sikat na artista gaya nina Marian Rivera, Maine Mendoza at marami pang iba.

Pero bago pa man ang pandemya ay napapanood na si Andrew sa ilang mga programa at pelikula ng kapamilya at kapuso network pero kahit na supporting role lang ang naibibigay sa kanya ay itinuturing naman niya ang mga ito na malaking blessing.

Dahil napakabait at very humble nitong si Andrew mukhang maganda ang pasok ng taon para sa kanya dahil kung dati puro supporting role lang ang mga natatanggap niya ngayon ay siya na ang bibida (oh! diba bongga!) sa pinakabago at kaabang-abang na BL series ang “Limited Edition” kaya naman ngayon ay tinaguriang siyang the rising star of the new generation.

SM food to go Banner Ad

Makakasama niya dito si Jomari Angeles na kanyang love interest at ilan pang mga batikang artista, sa aking offline interview kay Andrew nabanggit niya “very excited ako nung ako yung napili na gumanap bilang Jethro, marami kasi ang nag audition kaya nung sinabihan ako na i-try ko binigay ko talaga yung best ko”.

Tinanong ko rin siya kung hindi ba siya natakot o kinabahan at naisipang magback-out nung nalaman niya ang istorya ng proyekto, specially bago rin para sa kanya ang gagampanang role sa nasabing series at saad niya “Dream ko kasi ang gay role tiyaka nag-workshop naman kami ni Jomari para mas maging kumportable kami sa isat-isa, hindi rin sumagi sa isip ko na mag-backout kasi i dont want to compromise the production”.

Nang kumustahin ko naman ang kissing scene nila ni Jomari, naka-ilang take rin daw sila sa eksenang ito (omg! sana-ol) at aniya nung workshop ay hindi naman sila naghalikan at on the spot nila ginawa ang eksena kaya medyo nagkaroon ng awkward moment.

Talagang ka abang-abang ang mga magaganap sa “Limited Edition” na malapit ng mapanood ngayong Marso sa YouTube channel ng Bragais TV.

Huling hirit ko pa kay Andrew kung kakayanin ba niya if ever na may mag offer sa kanya ng another project pero mas intense ang mga eksena at kailangan ipakita ang puwet “kaya ko naman, sino ba naman ako para maging picky at kung kailangan ipakita ang puwet edi ipakita natin, puwet lang naman eh” humahalakhak na pagtatapos ng aming pag-uusap.

Samantala, sinamantala ko na rin ang pagkakataon na imbitahan siya sa aking programa kaya abangan si Andrew Gan sa ABA TRENDiNG! sa March 7 alas-3 ng hapon sa Abante Radyo Tabloidista FB page.

Leave A Reply

Your email address will not be published.