Abante Tonite Interactive

Andrew, Janno, Dennis makalusot kaya sa pakuwela ni Vice?

449

Hari ng sablay bang maituturing ang pagsasama nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E? Marami kasi ang nagtataka kung bakit, paano at biglang bumulaga ang pelikula nilang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo,” huh.

Sa mga mahilig sa flashback, hitback and throwback, tiyak may appeal at may chance na makiliti kayo sa pakuwela nito.

Ang mga 90s kids and teens, na ang tatlong ito ang pinapanood dati, maging mausisa kaya sila kung may improvement na ang pagpapatawa nina Gibbs, Padilla at Andrew?

Ang mga millennials naman partikular na ang Little Ponies ni Vice Ganda at madlang pipol na laging nagsasanib-puwersa tuwing may pelikula ang Queen Bayot, ma-appreciate kaya nila ang style of comedy of the three ginoo?

Related Posts

‘Pag ang pelikula ay times three ang kinita sa pelikula, bongga iyan. Ibig sabihin tunay ngang hinahanap-hanap ang pagpapatawa nina Janno, Dennis at Andrew. Hindi na masama kung maghahari silang muli sa takilya at magka-new set of fans and followers.

Ang masaklap, na huwag naman sana, ay kung raise to the power of three ang pag-flop ito. ‘Pag naganap ‘yun, hindi pahihintulutan ng mga nananalig sa tatlo, may the WHO TIMES THREE na agad-agad.

(Alwin Ignacio)